Bea Alonzo says she is on her way to falling in love

The dramatic actress rules out the idea of falling in love with a married guy like leading man Robin Padilla.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/22/2011 10:28 PM
Bea Alonzo says she is on her way to falling in love


052311-bea-main.jpgSa The Buzz kahapon, inamin ni Bea Alonzo na recently ay umiyak siya ng dahil sa pag-ibig. Nang dugtungan ni Boy Abunda kung ano ang dahilan, ang sagot ng aktres, “Dahil nasaktan ako.” Gayunpaman, hindi na nag-elaborate ang dalaga ng iba pang detalye tungkol dito. Hindi rin niya itinanggi na mahirap para sa kanya ang maging sobrang open tungkol sa kanyang buhay sa mga tao. “Siguro kasi sa dami ng pinagdaanan ko, I think kahit na sinong tao magpu-put ng wall to protect themselves, parang self-preservation. I think it’s not bad, it’s about protecting yourself. That’s what I’m doing right now.”

Aminado rin ang aktres na may lalaking nanakit sa kanyang puso pero natutunan na raw niyang patawarin ito.  “Mahirap magpatawad lalo na ‘pag nasaktan ka, ‘di ba? Parang sa ngayon kung nasaan ako ngayon sa lahat ng blessings na nakukuha ko, kung gaano ako kasaya, ngayon parang wala ako sa posisyon para ‘di ako magpatawad, oo nagpatawad ako.” Tumanggi naman niyang pangalanan kung sino ang lalaking nanakit sa kanyang damdamin.

Sa tanong ni Boy kung in love ba si Bea ngayon, maingat ang dalaga sa kanyang pagsagot. “I’m getting there and I would love to say, definitely yes, one day.” Nali-link ngayon si Bea sa model-turned-actor na si Zanjoe Marudo na inaming exclusively dating sila ngayon. Inulit ni Boy kung in love ba ngayon si Bea at ang sagot niya, “Soon, yes.”

Nalalapit na rin ang teleseryeng pagsasamahan nila ni Robin Padilla ang Guns and Roses. Pinaka-sexy raw umano sa pagkatao ni Robin ay ang mga mata nito. Kinikilig daw siya kapag nagtititigan daw sila ng action superstar pagdating sa mga eksena.  “Kasi iba talaga, may misteryo ang mga mata niya. I think hindi siya magiging isang Robin Padilla kung hindi siya ganun ka-intense, tingin ko kaya din nadadala ang leading ladies niya sa eksena dahil sa mata niya. ‘Pag tiningnan ka niya, you will really melt.”

Wala rin daw posibilidad na mai-inlove siya sa isang married na lalaki na katulad ni Robin na kasal kay Mariel Rodriguez. “Kasi malaking factor na it is wrong and I came from a broken family. I know how it feels like na masira ang isang pamilya and I wouldn’t do that to someone else.”