• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kris Aquino, Josh and James sa kanilang US vacation

EXCLUSIVE: Kris Aquino, Josh and James sa kanilang US vacation

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

5/2/2011 5:25 PM
EXCLUSIVE: Kris Aquino, Josh and James sa kanilang US vacation


050211-kristravel-1.jpg

Super happy si Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak na sina Josh and James pagbalik nila dito sa Pilipinas a few days ago, dahil sa naging bonding nila sa katatapos lang na US vacation / cruise nila. Kwento ni Krisy, talagang nagkaroon sila ng quality bonding time na mag-iina. Ang bakasyong ito ang nagsilbi na ring celebration nila ng pagtatapos ni Josh sa school at birthday ni James.

050211-kristravel-2.jpg

More than the places and activities, pinaka-nagmarka raw for Krisy ang sarap ng pakiramdam na maging nanay lang sa kanyang dalawang anak. Dahil dito ay nakita rin daw niya kung gaano kamahal nina James at Josh ang isa't isa - at syempre, siya. Kwento pa niya, "Nung nandun kami sa Manzanillo, parang ang sign nila dun, frog. Eh si Josh alam na favorite ko frog, so nauna kami ni Bimby sa ship kasi gusto nang mag-banyo ni Bimby. Dun sa fort area, parang merong tiangge effect, so pagbalik ni Joshie, may dala-dala siya talagang frog para sa akin. 'Mama this is for you,' si Bimby sabi : 'No, mama! I bought it for you,' sabi ko : 'But you were with me,' 'No, I bought it. Kuya tell mama I bought it!' Tapos sabi ni Josh : 'Okay, we both bought it.' So pinagbigyan niya na lang kunwari galing sa kanilang dalawa. Ang maganda I think, na-instill sa kanila is they enjoyed each other's company. Hinahanap nila ang isa't isa. Tapos in all fairness talaga, pasensyoso si Josh sa kakulitan ni Bimby."

For more of Kris' vacation photos visit www.darlasauler.com

Text DARLA ON to 2366 for updates from Darla on your cellphone!