• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks and Jake Cuenca spotted at 'In the Name of Love' block screening

Melissa Ricks and Jake Cuenca spotted at 'In the Name of Love' block screening

Jake thanks the actress for supporting his movie.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/18/2011 8:51 AM
Melissa Ricks and Jake Cuenca spotted at 'In the Name of Love' block screening


051811-jake_main.jpgPagkatapos umamin ni Jake Cuenca sa The Buzz last Sunday na mayroon silang inaayos ni Melissa Ricks na issues sa pagitan nila ay spotted naman ang dalawa na magkasama last Monday night. Nanood sila together sa block screening ng In The Name Of Love sa Gateway na sponsored ng iJakes fans club. Doon ay naging mailap si Melissa sa pagsagot ng issues involving Jake. Mabilis din na umalis ang dalaga sa sinehan pagkatapos ng pelikula.

Si Jake ang sumagot sa press kung bakit magkasama sila ni Melissa sa screening. “Nanood siya, like what I said before she was my inspiration in this movie. Masaya lang ako na nakanood siya talaga tulad nga ng sinabi ko sa kanya. Hindi ka man nasa pelikula pero ang laki ng naitulong sa akin para magawa ko nang mabuti ang pelikula,” seryosong pahayag ni Jake.

Kinilig kaya si Jake sa pagdating ni Melissa para panoorin ang kanyang pelikula? “Ano, basta okay na! Mel thank you so much for watching, salamat sa suporta,” nakangiting dagdag pa ng aktor. Ngayon daw ay hindi muna priority ni Jake ang love life. “Right now work lang muna, also Mel she’s very busy also, pareho kaming trabaho lang muna,” makahulugang pagtatapos ng binata.