Male starlet, sinisiraan ang direktor!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

5/18/2011 4:51 PM
Male starlet, sinisiraan ang direktor!


051811-blinditem.jpgAWARE kaya ang isang TV director na behind his back ay sinisiraan siya ng isang male star na cast nito sa isang teleserye?

Mula sa pagiging isang sexy actor ay nabigyan ito ng opportunity na makasama iba't ibang teleserye. In all fairness sa male starlet, mayroon naman itong talent. At minsan na din na-involve sa video scandal ang aktor. At ang pakikipag-away nito sa kanyang diumano ay gay lover.

Ngayon ay wala munang regular show ang aktor. At ang ipinamamalita nito, dahil daw sa isang gay director. "May iba kasing gusto si Direk!" sabi nito.

Gustong ipamukha ng aktor na kaya wala siyang regular project ngayon ay dahil sa direktor na may kursunada sa kanya.

Kailangan sigurong malaman ng gay director na sinisiraan siya (kung totoong paninira nga ito) ng male starlet. Para magkaalaman na. At in a way ay matigil ang paghahatid ng maling balita behindi their backs.