Coco Martin excited to do a movie with Judy Ann Santos

The Urian awardee for Actor of the Decade can't wait to begin his next project.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/18/2011 8:50 AM
Coco Martin excited to do a movie with Judy Ann Santos


051811-coco_main.jpgIsa si Coco Martin sa pinakamagaling na aktor sa kanyang henerasyon. Masaya si Coco sa karangalan na kanyang natanggap mula sa 34th Gawad Urian bilang Actor of the Decade. “Hindi ako makapaniwala sa sunud-sunod na blessing at saka sunud-sunod na mga award na nakukuha ko sa iba’t ibang award giving body, lalong-lalo na dito sa Urian parang napakabata ko para bigyan ng ganitong klaseng award. Kaya sabi ko sobrang sulit ng lahat ng pinaghiran ko. Sa paggawa ko ng pelikula lalong-lalo na noong nasa indie pa ako, kumbaga ito na yun eh. Ito na yung kabayaran para makasabay ko dito sina Ms. Gina Pareno at si Ms. Cherry Pie Picache, parang sobrang bonus na at ito na yung masasabi kong kayamanan ko na maipagmamalaki ko sa magiging anak ko,” nakangiting pahayag ni Coco.

Nagpapasalamat din si Coco sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng teleserye niyang “Minsan Lang Kita Iibigin”. “Maraming maraming salamat po, sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta sa “Minsan Lang Kita Iibigin”, sabi ko nga eto na yung pag-ani ng mga itinanim sa istorya at talaga namang napakagaling ng mga kasama kong artista dito kaya siguro, I’m sure mas lalo pang gaganda nang gaganda ang istorya at yung pagkapit ng mga tao sana huwag silang bumitaw,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, ngayon pa lamang daw ay excited na si Coco sa napabalitang pelikula na pagsasamahan daw nila ni Judy Ann Santos. “Sana matuloy, mas sobrang excited ako siyempre Ms. Judy Ann Santos yun. Kumbaga dati noong di pa ako nag-a-artista, kumbaga isa ako sa mga tagahanga niya tapos ngayon makaka-trabaho ko na siya. Hindi ko alam kung anong preparasyon at kung anong mararamdaman ko if ever na magkaka-trabaho na kami,” pagtatapos ni Coco.