RIPPLES: Rafael Rosell, loveless na naman!

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/18/2011 12:00 AM
RIPPLES: Rafael Rosell, loveless na naman!


051311-rafael_blog.jpg

MAY dahilan para mag-celebrate ang cast and staff ng 100 Days To Heaven. Barely a week sa ere, pumalo na agad ito sa ratings game. Hindi ito nagpapahuli sa ratings ng Mara Clara at Minsan Lang Kita Iibigin. Higit sa lahat, maganda ang feedback nito mula sa viewers.

Last Friday, naganap ang thanksgiving party ng cast and staff ng 100 Days To Heaven. Kumpleto ang castmembers na sina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa, Joel Torre, Valerie Concepcion, Rafael Rosell, Louis Abuel, Neil Coleta at Xyriel Manabat.

Present din ang mga direktor na sina Malu Sevilla, Don Cuaresma at Manny Palo. Ang business unit heads na sina Deo Endrinal at Julie Anne Benitez. Creative heads Rondel Lindayag and Reggie Amigo. Production managers Ethel Espiritu, Dagang Vilbar and Kylie Balagtas.

Sa nasabing party, nakausap namin si Rafael Rosell. Nakibalita kami sa kaibigan naming aktor na matagal naming hindi nakakausap.

Nalaman namin na loveless siya for more than 6 months now. Hindi na namin inusisa kung sino ang girlfriend niya.

"After the break up, I told myself I'm not gonna get into a relationship muna," sabi nito.
"I will enjoy my single life for now."

Sa ngayon, Rafael surfs a lot. "Marami akong napupuntahang places na I have never been before. I enjoy being alone and by myself."

He is also into diet. He's not been eating meat. Gulay at seafood lang. He also made a vow of "no sex" for a year. And so far, he hasn't not violated.

***

HINDI nag-abot sina Andi Eigenmann at Albie Casino sa party ni ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes last Sunday. Isa si Albie sa mga naunang dumating. In less than one hour, nagpaalam na ito. Biniro namin na baka may iniiwasan siya.

"No, may dinner din kasi ako with my family. ‘Di ba birthday ko kahapon," sabi nito.

Maya-maya ay dumating naman si Andi kasama si Lauren Young. Panay ay lingon nito sa paligid niya. Kaya inunahan na naming sabihin na, "Albie just left."

Walang inamin sina Andie at Albie tungkol sa kanilang relationship. Sa Twitter na lang nalaman ng marami na naging sila pala at mayroon silang ayaw. Dahil narin marahil sa advice ng ibang tao, tumigil na ang kanilang sagutan.

Sana nga ay maayos na nila ang gusot na ito. Para kahit hindi man sila magkabalikan ay maging magkaibigan pa rin sila. Showbiz is such a small world.

***

HINDI namin mabilang ang guests na dumating sa birthday party ni ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes noong Sunday sa Greenhills. Present ang halos lahat ng ABS-CBN bosses from Charo Santos-Concio, Deo Endrinal, Malou Santos, Johnny Manahan, Mariole Alberto, Julie Anne Benitez, Lauren Dyogi, Leng Raymundo, Louie Andrada, Connie Lopez,  Bobot Mortiz and more.

After her live edition sa Pilipinas Got Talent, dumating si Kris Aquino kasama sina Zsa Zsa Padilla at Vice Ganda. Present din sina Angel Locsin, Diether Ocampo, Lorna Tolentino, Gary Valenciano, Coco Martin, Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Jericho Rosales, Agot Isidro, Jason Abalos, Vhong Navarro, Toni Gonzaga, John Estrada, Martin del Rosario, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Enchong Dee, Diego Loyzaga, JM de Guzman, Enrique Gil, Ogie Diaz, Jessy Mendiola, Empress at marami pang iba.

Sina Regal Films boss Lily Monteverde, MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares, Joan Maglipon, Ricky Lo, at iba pa.

At siyempre, ang family ni Tita Cory na sina Direk Bobet Vidanes and kids Chad, Ara and Coby.

Mula dito sa amin sa www.push.com.ph, happy birthday, Tita Cory!

***

Follow me on twitter - twitter.com/ericjohnsalut