• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca on relationship with Melissa Ricks: 'We're fixing things'

Jake Cuenca on relationship with Melissa Ricks: 'We're fixing things'

The dramatic actor says he will always remain friends with Melissa.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/15/2011 8:53 PM
Jake Cuenca on relationship with Melissa Ricks: 'We're fixing things'


051611-jake-main.jpgInamin ni Jake Cuenca kahapon sa The Buzz na mayroon silang pinagdadaanan ngayon ng rumored girlfriend niya na si Melissa Ricks. Nagsimula ang issue nang mag-tweet ang young actress na may patama diumano kay Jake gaya ng pagsasabing ang totoong lalaki ay laging makakahanap ng panahon para sa babaeng minamahal nito anuman ang mangyari.

Noong una ay medyo guarded pa si Jake sa interview sa kanya ng host na si Toni Gonzaga. “We’re good,” simula ng actor. Sa panunukso ni Toni ay nagsalita na rin si Jake hinggil sa pinagdadaanan nila ni Mel. “Sa isang relationship there (are) always bad times, there (are) good times as well. In every relationship may kanya-kanya tayong problema so we’re fixing things,” pag-amin niya. Idinagdag niya na kaya raw hindi nakadalo si Melissa sa premiere night ng kanilang movie na In The Name Of Love noong May 10, Tuesday ay dahil  abala raw ang dalaga. Pero marami naman ang nagsabing ito ay dahil mayroon silang problema ni Jake.

Paniniyak pa ni Jake, anuman daw ang mangyari ay mananatili ang pagkakaibigan nila ni Melissa. “One thing is for sure, our friendship is there and we will always support each other and we just have some things that we need to fix. No matter what happens ang suporta ko kay Mel ay laging nando’n. Walang taong sumuporta sa akin ng katulad (ng pagsuporta sa akin) ni Mel.”

Idinagdag pa ng actor na sa totoo lang daw ay naging effective ang performance niya sa kanyang latest movie dahil na rin inspirasyon niya si Melissa.  “She was my inspiration,” sambit niya at  idinagdag na mananatili siyang inspirasyon.

Samantala, sobrang tuwa naman ni Jake sa maraming papuring natamo niya sa kanyang pagganap sa In The Name Of Love. Pero naging humble siya sa pagsasabing, karangalan sa kanya na makatrabaho sina Aga Muhlach na kanyang idolo at si Angel Locsin. Malaking factor din daw ang ipinakitang dedikasyon ni Direk Olivia Lamasan sa proyekto para pagbutihin niya ang kanyang trabaho. “You just have to trust her and ayaw ko siyang biguin. Gusto mo ibigay lahat ng pwede mong ibigay at buong-buo mong ibibigay kasi makikita mo ang dedication niya sa proyekto.”