• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson clarify 'isnaban' issue

Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson clarify 'isnaban' issue

Bea Alonzo says the issue between her, Gerald Anderson and Kim Chiu is 'so last year.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/15/2011 9:12 PM
Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson clarify 'isnaban' issue


051611-bea-main.jpgAgaw-eksena ang maraming artista nang ganapin ang Guillermo Mendoza Memorial Awards last May 10, Martes, kabilang na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Kim Chiu. Matatandaang nagkaroon ng love triangle ang tatlo previously at sa nasabing awards night ay nagdedmahan diumano sila na itinanggi naman ng tatlo.

Wala pong dedmahan, malayo po ‘yung upuan namin,” sagot ni Gerald nang tanungin kung ‘di raw ba niya pinansin si Bea. “Oo, smile (kami sa isa’t isa), pero alangan naman pupuntahan ko pa (sa puwesto nila), andun pa sina Ms. Ai Ai (delas Alas) so nakakahiya naman din.

Sa hiwalay na interview ay ganun din ang sinabi ni Bea. “Wala namang dedmahaman. Ang layo kasi ng upuan niya (Gerald), awkward naman kung pupunta ako sa dulo just to say hi to them. Parang nakakahiya naman na gagawa ako ng eksena. Hello, kung lumapit pa ako dun I’m sure malaking bulungan ‘yon ‘di ba?” depensa ng mahusay na aktres.

Mariing itinanggi rin nina Bea at Kim na nagkaroon ng isnaban sa kanilang dalawa. Kuwento pa ni Kim ay nagbatian pa sila ni Bea. “Hindi totoo (na nag-isnaban kami). Nag-hello kami, hi-hi ganyan.” Dagdag pa ng aktres, walang dahilan para sila mag-isnaban. “Wala naman pong ‘di pagpapansinan. Bakit naman po kami hindi magiging okay? Kahit kailangan ‘di naman kami nagkasamaan ng loob.”  

Sabi ni Gerald ay civil silang lahat sa isa’t isa at gusto na nilang kalimutan ang nangyari dahil nnoong nakaraang taon pa ito. “Last year pa ho ‘yon. Tapos na ‘yon, masaya kaming lahat sa status namin, wala kaming problema at all.”

Dagdag pa ni Bea ang problema ay iniisip ng mga taong nakapaligid sa kanila pero para sa kanila ay wala na iyon. “’Pag kami-kami lang naman, parang wala namang issues. Parang feeling ko ‘pag mga ganung events lang kasi ‘yung mga tao ang focus nila nasa amin dahil sa mga issues. Wala na it’s so last year.”