• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin confirms she and Phil Younghusband are exclusively dating

Angel Locsin confirms she and Phil Younghusband are exclusively dating

Amidst rumors that she and Phil Younghusband are already an item, Angel Locsin says she wants to take her time before she decides on entering another relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/15/2011 9:00 PM
Angel Locsin confirms she and Phil Younghusband are exclusively dating


051611-angel-main.jpgSa The Buzz kahapon ay inamin ni Angel Locsin na nagde-date nga sila ng football star na si Phil Younghusband. Nang itanong ng host na si Charlene Gonzales kung ano na ang status nila, ang sagot ni Angel, “Dun ako sa exclusively dating. Iki-clear ko lang din. Kasi kami ni Phil, ‘pag may in-entertain na kami, ‘yun lang. Hindi ‘yung sabay-sabay. Ako, lalo na, hindi ko kaya ‘yung sabay-sabay, lalo na kung dine-date, ang focus ko sa kanya lang. Ayoko kasi ng paiba-iba. Hindi ko kaya ang sabay-sabay.

Itinanggi rin ni Angel na sila na ng Filipino-British athlete. “Hindi pa (kami). Parang masyado pang maaga. Ine-enjoy lang namin kung ano man ‘yung nadi-discover namin sa isat-isa, kilig kilig,” sabay bungisngis ng aktres.

Hindi naman agad nakapagsalita si Angel nang tanungin siya ni Charlene kung sinabihan na siya ni Phil ng mga katagang, I love you. “Hindi ko alam. Siya na lang po ang tanungin n’yo,” natatawang tugon ng aktres.

Hindi pa raw masabi ni Angel kung malapit na silang maging magkasintahan ni Phil. “Iniisip ng tao kami na pero ako kasi ayoko pa magmadali. Gusto ko muna i-enjoy. Ako, 26 (years old) na, ayoko nang maglaro. Gusto ko munang maging sigurado. Ayokong masaktan,” pag-amin niya.

Para naman sa kanyang mensahe kay Phil, sambit ni Angel, “I’m very thankful talaga sa time, sa effort. Si Phil kasi nararamdaman ko parang gusto niya lagi lang akong happy. Alam niya na hindi pa ako ready. Kailangan ko pa ng time, pero sobrang thankful ako sa kanya. Kinilikig ako.

Malaking bagay din daw sa kanya na alam niyang proud sa kanya si Phil. “Nakakagaan ng loob. Maraming salamat, thank you, Phil,”  pahayag ng kinikilig na aktres.