Aktor binitin ang taping ng teleserye!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

5/15/2011 9:20 PM
Aktor binitin ang taping ng teleserye!


051611-blind-item-1.jpgUMALIS ang aktor para sa ilang araw na bakasyon sa ibang bansa. Hindi nito sinabi sa staff ng kanyang teleserye ang plano niyang mag-extend ng bakasyon. Kaya laking gulat ng production staff ng serye nang malaman na nakabasyon pa ang aktor at hindi magri-report sa taping.

Ngayon ay worried ang production staff dahil wala silang advanced materials na puwede i-air. Sa bakasyon ng aktor, malinaw na isang buong linggong episode na hindi ito makikita.

"Buti sana kung hindi siya ang bida," sabi ng source ng push.com.ph.

Spoiled ang aktor sa management ng network. Wala silang choice kundi ang gumawa ng paraan na makapag-ere ng episode kahit wala ang kanilang bida.

"Baka kami pa ang mapagalitan kung magsumbong kami sa management," sabi pa ng kausap namin.