• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga a no-show at the Guillermo Mendoza awards night

Toni Gonzaga a no-show at the Guillermo Mendoza awards night

Many are speculating that Toni still has a grudge over not winning the Box Office Queen title at the Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Awards.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/13/2011 8:20 AM
Toni Gonzaga a no-show at the Guillermo Mendoza awards night


051311-toni_main.jpgSi Toni Gonzaga ang itinanghal na Princess of Philippine Movies sa katatapos pa lamang na Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Awards. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Toni at Aiai delas Alas kamakailan dahil silang dalawa diumano ang nag-qualify para tanghaling Box Office Queen. Si Aiai ang nagwagi sa nasabing title kaya marami ang naghinalang nagtampo si Toni kaya hindi ito um-attend sa mismong awards night.

Hindi naman! Naku naman po, hindi naman po totoo iyan. May mga awards night lang po na hindi ako nakakadalo dahil meron po tayong prior commitment. Siguro nagkataon lang na may issue or nasabay lang kami na may issue kaya hindi nakarating, pero other than that, wala naman po,” paglilinaw ni Toni. Gayunpaman ay nagpapasalamat pa rin ang aktres sa parangal na kanyang nakamit mula sa Guillermo. “Siyempre nagpapasalamat tayo, more than anything else siguro ang pagpapasalamat ko talaga ay sa Star Cinema, sa lahat ng tao ng tumangkilik sa pelikulang My Amnesia Girl” noong November kasi kahit isang buwan lang kami and yet we’re able to receive that kind of reception sa mga tao,” dagdag pa ni Toni.

Samantala, ang isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang planong pagpapakasal diumano nina Toni at boyfriend niyang si Direk Paul Soriano. Nagpapagawa na raw kasi ang direktor ng bahay ngayon. “Hindi totoo iyan, ang nagpapatayo ng bahay ay yung family ni Paul. Sa ngayon dahil sa trabaho dahil sa demand ng work, hindi pa namin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay. 3 years pa kasi nga, 27 pa lang ako, so maghihintay pa ako ng 3 years, para ma-enjoy ko naman kung ano pa yung mga opportunities na dumarating ngayon,” pag-amin ni Toni.