Derek Ramsay on health issues: 'No, I don't have cancer'

The actor feels bad that negative things are still being written and said about him and girlfriend Angelica Panganiban.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/13/2011 8:21 AM
Derek Ramsay on health issues: 'No, I don't have cancer'


051311-derek_main.jpgPumutok ang balitang may sakit na cancer diumano si Derek Ramsay dahil nasulat ang tungkol dito sa tabloids recently, issue na ikinagulat ng hunk actor. “No! I’m fine, wow that’s the first time I actually heard that. No I don’t have cancer, I hope not, but I feel very healthy. My knees, yun yung mga may sakit sa akin, tuhod. They feel healthy and nanalo kami sa Davao in the last tournament just this weekend,” pahayag ni Derek.

Baka raw may kinalaman ang issue tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit sa nangyari sa kanya last holy week. “Ang lumabas na news daw ay in-attack ako ng Star fish, no I was stung by Jelly fish. Tapos nadagdagan pa raw na hindi ko raw mabayaran ang hospital bill ko. It’s true, over holy week I was attacked by Jelly fish in La Union. Yeah, marami yung maliliit so whole body is covered, baka doon din nanggaling yung cancer,” natatawang sagot ni Derek. “I went to the hospital there to get medicine for the itchiness. I bought the medicine, payed for it wala pa akong ten minutes sa hospital,” paliwanag pa niya.

Kahit sanay na raw si Derek sa mga iba’t ibang kontrobersya ay ngayon lamang siya nasaktan sa issue na ibinabato sa kanya. “That one actually, to tell you the truth yung mga ibang issue sa akin, hindi ako naapekto pero that one kinda hurts, na I have the big C which is the number one killer for everybody nowadays. And it’s kinda insulting, it’s kinda hurts na somebody would say such a thing to anybody,” seryosong pahayag ng aktor.

“Guys, please I ain’t angry, I’m not mad. It just hurt na patuloy-tuloy yung mga negative things na sinasabi tungkol sa akin, tungkol kay Angel (Angelica Panganiban). Tungkol sa amin ni Angel. I don’t know what it is that we’ve done or maybe we said something I don’t know, but sana tigilan n’yo na rin kasi nasasaktan na rin kami,” pakiusap ni Derek.