RIPPLES: Kim Chiu magshu-shooting ng Binondo Girl sa China

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/13/2011 12:00 AM
RIPPLES: Kim Chiu magshu-shooting ng Binondo Girl sa China


051311-binondogirl.jpg

PERSONAL na pinakiusapan ni Kris Aquino si Angelica Panganiban para mai-cast ito sa pelikula ng TV host-actress kasama si Dingdong Dantes. Yes, tuloy na ang movie nina Kris at Dingdong under co-production ng CineManila at Star Cinema. Posibleng maging official entry ito sa Metro Manila Film Festival sa December.

Kinumpirma ni Angelica na kinausap siya ni Kris.

"Siyempre, Madam yan, no! Oo naman,"sabi ni Angelica.

Kailangang kausapin ni Kris si Star Cinema boss Malou Santos dahil exclusive ang contract ni Angelica dito.
***

LEFT and right ang tinatanggap na papuri ni Jake Cuenca dahil sa box-office and critical success ng In The Name Of Love. Lahat ay nagsasabing mahusay ang ipinakitang performance ni Jake sa movie at hindi nagpatalo sa dalawa pang bida na sina Aga Muhlach at Angel Locsin.

May nagbiro kay Jake na dahil sa sunud-sunod niyang blessings ay baka yumabang siya.

"Kilala nyo naman ako, Kuya EJ. Ganito lang ako pero hindi naman ako mayabang. All the more now na magiging grounded ako. Ayokong mawala ang blessings na ibinibigay ni Lord." sabi ni Jake.

Nakatakda nang simulan ni Jake ang isang teleseryeng pagbibidahan nila ni Shaina Magdayao na isu-shoot abroad.
***
HANDANG-handa na ang production team ng Binondo Girl na simulan ang serye. Ito ang teleseryeng pagbibidahan ni Kim Chiu. Ayon kay Malu Sevilla, successful ang ocular and location hunting nila sa China. Third week of April ay magsisimula na silang mag-shoot.

"We will shoot few Manila scenes muna before proceeding to China," kuwento ni Direk Malu.

Kahit si Kim ay excited nang magsimula. "Hinahanap na ng katawan ko ang mag-taping,"

Ang isa sa ipinagpapasalamat ni Kim ay ang experience makakatrabaho niya ang mahuhusay na aktor at aktres. Kasama sa Binondo Girl sina Ai Ai delas Alas, Cherie Pie Picache, Glydel Mercado at Gina Pareno. Tatlo ang leading men ni Kim dito Jolo Revilla, Xian Lim at Matteo Guidicelli.

Ang Binondo Girl ay ang pagbabalik ni Kim sa primetime teleserye.