• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband escorts Angel Locsin at a block screening of 'In The Name Of Love'

Phil Younghusband escorts Angel Locsin at a block screening of 'In The Name Of Love'

Angel Locsin speaks up about her first media appearance with Phil Younghusband and why she didn't bring him to the premiere night of her movie.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

5/12/2011 5:14 PM
Phil Younghusband escorts Angel Locsin at a block screening of 'In The Name Of Love'


051211-angel-phil.jpgSa ginanap na premiere night ng In The Name Of Love sa SM Megamall noong May 10, marami ang nagtatanong kay Angel Locsin kung bakit hindi niya ka-date ang kanyang devoted suitor na si Phil Younghusband. Hangga’t maaari ay gusto kasi niyang ibigay ang kanyang buong atensyon sa panonood ng pelikula kasama ng kanyang co-stars na sina Aga Muhlach at Jake Cuenca. “Actually, nag-congratulate siya, pinarating naman niya yung suporta niya para sa pelikula, pero siyempre, premiere etiquette. Alam niyo yun? Basta. Tsaka nahihiya ako, may love scene eh,” biro ni Angel ng makapanayam siya ilang entertainment reporters noong gabing iyon.

Kaya ginulat na lang nila Angel at Phil ang local media nang magkasama silang dumating sa Podium para sa block screening ng In The Name Of Love na inorganisa ng mga solid fans ng dalaga noong May 11. Ito ang unang pagkakataon na opisyal na lumantad ang dalawa sa publiko matapos ang iba’t ibang star sightings sa kanila dito sa Manila at sa Hong Kong. “Ay, hindi siya first time [na magkasama kami]. Pero siguro masasabi kong ito yung first time na lumabas kami na may camera kasi usually kasi kapag lumalabas kami [personal na lakad] naman yun at nagkakataon lang na may ibang nakakakilala sa amin nun.”

Kalagitnaan na ng pelikula noong dumating sina Angel at Phil sa block screening pero sobrang na-appreciate naman daw ng Azkals heartthrob ang mga dramatic scenes nila nina Aga at Jake. “First Tagalog film niya. Nagustuhan naman daw niya yung pelikula namin. Ewan ko lang kung naintindihan niya. Hahaha!

Pero kahit ito ang unang beses na naging open si Angel na makitang kasama niya si Phil ay wala na raw bago rito dahil updated naman ang media tungkol sa growing friendship nila ng binata. “Never naman kami nagtago. Halos lahat alam niyo na rin naman. Wala na rin naman akong idadagdag na iba. Ayoko lang nung kakaumpisa pa lang ng pelikula tapos maagaw yung atensyon. Ibigay muna natin sa In The Name Of Love. Respeto ko na lang yun sa mga kasamahan ko na pag-usapan muna natin ang pelikula.