• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco's cellphone stolen during Banana Split taping

Jason Francisco's cellphone stolen during Banana Split taping

Jason says the person who stole his phone has been texting his contacts and is even asking for money.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/12/2011 8:55 AM
Jason Francisco's cellphone stolen during Banana Split taping


051211-jason.jpgNawalan ng cellphone si Jason Francisco sa isang resort na location ng kanilang Banana Split taping kamakailan. “Yung aking cellphone, nanakaw, talagang nasalisihan ako. Kasi umaga iyon, wala po ako sa huwisyo, nasalisihan ako. Akala ko ay naiwan ko sa bahay,” bungad ni Jason.

Ikinagulat rin ng komedyante ang ginawang panloloko ng nagnakaw ng kanyang cellphone sa mga kakilala niyang naka-save sa phonebook nito. “Nanghihingi ng load. Siyempre alam ko na hindi, kasama ko yung kaibigan ko. Eh yung cellphone ko hindi ko naman gamit. Nanghihingi siya ng pera, palaki nang palaki yung pera,” kuwento pa ni Jason.

Maging ang girlfriend ni Jason na si Melai Cantiveros ay tini-text din daw ng nagnakaw ng cellphone. “Oo! Nagte-text siya ng idol, ang cute mo pala idol. Tapos nag-change na kami ng number dalawa kasi sabi niya (Jason) guguluhin ka niyan. Yung number mo marami nakakaalam, baka i-share niya,” kuwento naman ni Melai.

Humihingi rin daw ng P40,000 kay Jason ang nagnakaw ng cellphone niya para tubusin ito. “Baka P5,000 pwede kong ibigay. Kasi yung cellphone na iyon nasa P23,000 eh bakit ko naman ibibigay yung P40,000? Sa totoo lang ang ganda ng pakiusap ko, kung maaari pare isauli mo. Kabibili lang nun, sayang, eh hindi napakiusapan,” pagde-detalye pa ng binata.

Mayroong mensahe si Jason para sa nagnakaw ng kanyang bagong biling cellphone. “Pare sa totoo lang, alam mo kung gaano kamahal yung cellphone na iyan. Hindi iyan basta-basta pinulot lang, kung maaari ibalik mo, pero kung maaari naman huwag ka nang manloko. Sa’yo na, huwag ka na lang manloko at magkikita tayo kapag hmmmm, alam mo na,” pagtatapos ng komedyante.