Gerald Anderson says he misses Jewel Mische

The actor admits he's missing his Buhawi Jack leading lady.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/11/2011 8:00 AM
Gerald Anderson says he misses Jewel Mische


051111-gerald_main.jpgLast Saturday ay inamin ni Kim Chiu sa “E-Live” na nagkaroon na ng closure ang naging relasyon nila ni Gerald Anderson matapos ang kanilang pag-uusap sa America kamakailan. Napabalitang nagkaroon ng intimate dinner date ang dalawa sa U.S. nang mag-celebrate ng birthday si Kim doon.

Ayon naman kay Gerald ay open pa rin naman siya sa possibility na makasama si Kim sa kanyang mga projects. “Yung working status namin hindi closed book yun at love team namin, hindi pa sarado yun,” bungad ni Gerald.

Samantala, ang bagong napapabalita ngayon ay madalas daw na nakikitang magka-date sina Gerald at ang dating lady niya sa “Buhawi Jack” na si Jewel Mische. “Hindi kami nagkikita, nakaka-miss nga siya actually. Wala akong nililigawan ngayon. Kung sino man ang ligawan ko kawawa rin, kasi di ko mabigyan ng oras. Sa ngayon focus muna ako sa work,” paglilinaw pa ng binata.

Kaabang-abang naman daw ang bagong project na gagawin ni Gerald ngayon. “Ibang leading lady, ibang story. Yung role ko kakaiba so ang daming dapat abangan sa show na ito,” pagtatapos pa ng aktor.