Aktres ayaw pa din makatrabaho ang nakaaway na direktor

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

5/11/2011 5:39 PM
Aktres ayaw pa din makatrabaho ang nakaaway na direktor


gone1-edited.jpgHINDI pa din humuhupa ang galit ng isang direktor sa isang aktres. Nagsimula ang galit ng direktor sa aktres nang minsan magkatrabaho sila isang serye. Doon ay nakita ng direkror ang sama ng ugali ng aktres at pagiging unprofessional nito.

"Hindi ko pa din nakakalimutan yung bigla niyang nilayasan ang set ko," sabi ng mahusay na direktor."I really felt disrespected. Nakisama ako sa kanya. Sinasakyan ko ang tantrums niya pero yung walang paalam na umalis siya sa taping ko, hindi ko makakalimutan yon."

Isa sa pinaka-beterano sa kanyang home studio ang nasabing direktor. Isa rin sa pinaka-respected. He has worked with almost all the great actors sa industriya kaya big deal sa kanya ang ginawang kabastusan ng aktres who at that time ay kalilipat pa lang sa istasyon. Kaya when offered na simulan ang bagong seryeng pagbibidahan ng aktres ay tumanggi ang direktor. "Sa iba na lang. Hindi naman ikabababa ng pagkatao ko kung di ko gagawin yun."

Kilala ang aktres sa pagiging prangka. Marami na rin siyang nakaalitang kapwa niya artista. Pero ang balita, malaki na raw ang ipinagbago ng ugali ng aktres. Marunong na raw itong makisama sa kanyang mga katrabaho."Ayaw ko pa rin!" sabi pa ng direktor.