Vice Ganda to release self-titled album

The comedian is getting ready for his second major concert and upcoming album.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/11/2011 7:54 AM
Vice Ganda to release self-titled album


051111-vice_main.jpgKamakailan ay nag-pictorial na si Vice Ganda para sa kanyang upcoming album at para na rin sa kanyang second major concert. “Marc Nicdao ang aking photographer, ang style team ko Lala Flores. Siyempre bakla ako, ine-enjoy ko yung parang bina-barbie doll ka, sobrang fun. Ang peg ko lagi Rihanna eh, naghahanap ako lagi ng pictures niya, pinipilit ko achieve-in sa sarili ko iyon,” nakangiting kuwento ni Vice.

Sobrang excitement ang nararamdam ngayon ng comedian-TV host dahil malapit nang i-release ang kanyang self titled album. “Mare-release na, iba-ibang genre ife-feature, may rock, may pop, R & B, may rap. Regine (Velasquez), Lani (Misalucha), Jaya, Sarah (Geronimo) yun talaga mga nili-level-an ko. Tapos susunod na sa akin si Anne Curtis kaya kabahan na kayo kung ano ang kahihinatnan ng recording industry,” natatawang pahayag ni Vice.

Mayroon daw isang special guy na nag-compose ng kanta para sa nasabing album ni Vice. “Mayroong isang song na isinulat ni Kean Cipreano. Nag-volunteer siya na kailangan meron akong isang cut doon sa album na iyon na sa akin galing. Kaya special sa akin ang kantang iyon, ang title “Palung-Palo,” pagde-detalye pa ni Vice.

Aside from his album ay abala rin si Vice ngayon sa preparations para sa kanyang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum. “July 1, eto na 'Vice Ganda, Todong Sample sa Araneta'. Almost everyday nakikita n’yo akong nagsa-sample sa Showtime. May itotodo pa, sa Araneta nila masasaksihan iyon. May pressure, kasi sobrang successful yung unang concert sa Araneta, nakakakaba. Ang hirap sundan, ang hirap tapatan, ang kalaban ko ay sarili ko din. Si Sarah Geronimo guest ko, Anne Curtis, Cristine Reyes nandiyan din. Meron pang mga surprise kembot,” pagtatapos ni Vice Ganda.