• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual and Angelica Panganiban talk about their reunion project

Piolo Pascual and Angelica Panganiban talk about their reunion project

It has been seven years since the two worked on the teleserye Mangarap Ka.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/10/2011 2:57 PM
Piolo Pascual and Angelica Panganiban talk about their reunion project


051011-piolo_main.jpgYear 2004 nang huling magkatambal sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban sa teleseryeng Mangarap Ka sa ABS-CBN. After several years ay muling magsasama ang dalawa sa isang pelikula with Direk Mae Cruz under Star Cinema. “First time namin to work with Direk Mae Cruz para sa pelikula. It’s a privelege for us. We’re so excited because bago sa amin itong tatlo. Never pa kami nagsama ni Angel sa pelikula, never ko pa nakasama si Direk Mae,” pahayag ni Piolo.
“First time kong gagawa ng romantic comedy. Sabi ko nga ito na yung pinaka-challenging role na pwede nilang ibigay sa akin. Kasi super lapit niya sa personality ko, demure siya. Ayun! Sweet, mabait, polite, lahat ng positivity nasa kanya. So akong-ako, ako talaga,” nakangiting pahayag naman ni Angelica.

Kamakailan ay nagkaroon na ng look test sina Angelica at Piolo para sa gagawing pelikula at naging very comfortable naman sila sa isa’t isa. Kitang-kita na rin ang chemistry at magandang samahan sa pagitan ng dalawa.

Masaya kami, masaya. Ang problema namin ay kung paano kami magiging seryoso, yun ang challenge,” dagdag ni Piolo. “Totoo, masyado kaming kumportable sa isa’t isa, masyado naming kilala paano kapag aarte kami,” dagdag naman ni Angelica.

Ang balita namin ay magkakaroon daw ng daring scenes ang movie project na ito ng dalawa. Ready na kaya silang gawin ito? “Depende! Depende, kung hihingin ng istorya,” sagot ni Piolo. “Hihingin iyan,” natatawang pagtatapos naman ni Angelica.