• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez on ex-boyfriend Patrick Meneses: 'I never doubted his gender'

Aiko Melendez on ex-boyfriend Patrick Meneses: 'I never doubted his gender'

The actress says she has never made any move to make her problems with ex-boyfriend Patrick Meneses public.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/1/2011 11:49 PM
Aiko Melendez on ex-boyfriend Patrick Meneses: 'I never doubted his gender'


050211-aiko-main.jpgNoong Huwebes ay nagsampa ng kasong libel si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses laban sa dating kasintahang si Aiko Melendez at tatlong iba pa. Kaugnay ito sa diumano’y pagkakalat nila ng mga balitang kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng mayor. Maging si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque ay nagsampa rin ng kaparehong kaso laban sa apat. Naghain din ang dalawang Mayor kasama ang iba pang Mayor mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Bulacan ng isang resolusyong mag-de-deklara ng “Persona Non Grata”, sa sino mang mapapatunayang nasa likod ng paninira sa dalawang alkalde. Sa The Buzz ay bumuwelta na ang aktres sa isyung paninira niya diumano sa dating karelasyong si Patrick Meneses. Umabot ng tatlong taon at apat na buwan ang relasyon ng magkasintahan.

“In fairness, our relationship is really good, and I thought in every relationship naman you’d always think and hope that it would last forever and it’s going to be the last. Of course there were ups and downs, but you know we managed to talk about it,” bungad ni Aiko.

“December of last year, medyo sa sobrang busy niya sa work niya. I felt na parang yung communication that we used to have before wasn’t the same anymore, and then come January medyo padalas na nang padalas yung away namin. Come February 12, I think it was ABS-CBN who covered that concert of Sarah and Martin, we were even there because I was trying to save the relationship. That night I felt na parang it’s not gonna go anywhere anymore. I told him na I don’t think this is gonna work. So I told him let’s stop this na, and he said no, let’s work things out. So we did,” kuwento ng aktres.

Tinangka pa raw sorpresahin ni Aiko si Mayor Meneses noong February 14 na dalhin sa concert ni Vice Ganda subalit sa bahay pa lamang ay nagkaroon na raw ng malalang pagtatalo ang dalawa dahil sa selos. Parang wala na raw kasing panahon si Patrick kay Aiko at parang nagbabago na rin ang pakikitungo ng binata sa aktres.

“Then our fight became for the first time, yung sigawan talaga po as in sigawan kami, and then sabi niya, I don’t want this anymore. I want an option, normally when we fight I asked him why he didn’t wanna give any reason,” dagdag pa ni Aiko. Naghiwalay ang dalawa pero napagkasunduan nina Patrick at Aiko na huwag ilabas sa media ang nangyari pero nagulat si Aiko nang lumabas sa isang radio program ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

“It will definitely not come out from me kasi nga usapan namin ayaw ko na lumabas po ito. I think it came from their camp.”

Umaasa pa rin daw sana si Aiko noon na magkakabalikan pa silang dalawa dahil mahigit tatlong taon na rin silang magkarelasyon. “Kahit yung huling baraha ko po tinaya ko kay Patrick, which I never did doon sa dalawang exes ko po na naging tatay ng anak ko. Kay Patrick ho hindi ako nagtira ng katiting para sa sarili ko po,” emosyonal na pahayag ni Aiko.

Hindi naman daw inasahan ng aktres na hahantong pa sa demandahan ang kanilang paghihiwalay ng dating nobyo. “Mas masakit po kaysa sa sobrang nagulat ako, kasi parang sinisisi ko yung sarili ko ngayon na ito ba yung kapalit ng pananahimik ko na pagbibintangan n’yo ako, na aakusahan ako ng isang bagay na hindi ko ginawa? Common sense, sino ho bang nagpa-interview sa kabilang show? Hindi ba si Patrick? Kung hindi naman po siya nagpa-interview hindi naman malalaman ng tao kung ano talaga ang nangyayari sa amin. Ngayon ang ikinasasakit ng loob ko here, you go filing a case against me na libel because you’re accusing me na through that direct message thing sa twitter eh nag-create ako ng script para ibagsak ang pagkatao ni Patrick,” seryoson