Bianca Manalo shares meeting with an admirer in Boracay

The former beauty queen says she's single and she's longing to meet Mr. Right.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/7/2011 8:37 AM
Bianca Manalo shares meeting with an admirer in Boracay


040711-bianca_main.jpgLast Saturday ay naging emotional si Bianca Manalo sa Happy Yipee Yehey habang kumakanta si Toni Gonzaga ng isang love song. Ayon kay Bianca ay malungkot daw kasi ang kanyang love life ngayon. “Na-touch lang naman ako sa kanta ni Toni. It’s a love song pero I don’t get to share it with another person, nakakalungkot naman na naririnig mo yung mga love songs na ‘yan pero kanino mo io-offer, nalungkot lang ako,” kuwento ni Bianca.

Very vocal si Bianca na single pa rin daw siya up to now pero balita namin ay mayroong special guy na na-meet ang beauty queen sa Boracay recently. “In-invite ako ng Cinema One sa Boracay. Ako ang nag-host ng beach screening ng Here Comes The Bride. Meron lang isang guy na lumapit, nagpakilala kasi pinapanood raw niya ako sa Happy Yipee Yehey at sa Italy. Nanonood daw siya three times a day ng Juanita Banana. Matangkad, mukha naman siyang mabait, okay naman,” dagdag pa ni Bianca.

Isang 24-year old half Italian-half Filipino na based sa Italy ang tinutukoy ni Bianca, Joe Ozbot ang pangalan at isa itong model. “Gusto lang niya sumama sa amin, in-entertain naman namin, maganda daw ako yun lang. Masaya, iba naman yung feeling kapag sinasabi mismo sa harap mo na ‘I admire you.’ Masayang-masaya. Siyempre yung mga tao sa paligid ko kilig na kilig. Knowing na single ako, lahat naman ng tao sa paligid ko basta may lalaki sa tabi ko yun na kaagad. Ako enjoy lang,” pagde-detalye pa ng TV host.

Ano nga ba ang hinahanap ni Bianca sa isang lalaki? “Ako kasi basta mabait, mapagmahal, may takot sa Diyos at malambing. Gusto ko baby ako, bine-baby ako,” pagtatapos pa ni Bianca.