Aktor, may kinalolokohang babae!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

4/5/2011 12:00 AM
Aktor, may kinalolokohang babae!


040511-blinditem.jpgUSAP-USAPAN na nahuhumaling ang isang respetadong aktor sa isang babaeng halos kaedad lang ng mga anak nito.  Diumano, ang babae (na may dugong banyaga) ay mula sa South. Ito raw ang dahilan kung bakit madalas ang aktor sa nasabing sikat na siyudad.

Pamilyado na ang aktor. Maganda ang imahe niya sa publiko. Kahit ang kanyang pamilya ay kilala din bilang magandang ehemplo sa showbiz. Sa katunayan, kilala ang aktor bilang leader ng isang religious group sa showbiz. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga tao sa industriya.

May mga "sightings" na kasama ng aktor ang naturang babae. At sa katotohanan, nakarating na sa asawa ng aktor ang tungkol sa "womanizing" ng kanyang asawa. Deadma si misis. Ayaw nitong maniwala.  Si Misis ay kilala sa pagiging isang ehemplong ina. Noong kabataan nito ay isa ito sa pinakamahusay sa kanyang liga. Pero tinalikuran nito ang showbiz para maging isang housewife.

Tiyak na marami ang magugulat kapag nabulgar na ang tungkol sa pambabae diumano ng respetadong aktor. Wala kasi sa imahe nito na magagawang magloko dahil kilala nga ito bilang isang ehemplong aktor, ama at asawa.