• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez and Lucy Torres share the secret to their successful marriage

Richard Gomez and Lucy Torres share the secret to their successful marriage

The showbiz couple celebrated their 13th wedding anniversary last April 28.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/30/2011 7:20 PM
Richard Gomez and Lucy Torres share the secret to their successful marriage


050111-richard_main.jpgApril 28, 1998 nang ganapin ang engrandeng kasalan nina Richard Gomez at Lucy Torres sa Ormoc. Ngayon ay thirteen years nang magkasama ang mag-asawa at nabiyayaan na rin ng isang anak na si Julianna. Naikwento  ni Richard kung ano ang iniregalo sa kanya ni Lucy para sa kanilang 13th anniversary. “Si Lucy binigyan ako ng gift, binigyan niya ako ng compilation ng wedding video namin,” pahayag ni Richard. “Yung wedding video namin, the one ABS (CBN) covered thirteen years ago. I had it kasi maraming tapes iyon, I had it edited really nice. When he played it I think he fell in love with me like it was the first time,” nakangiting pahayag naman ni Lucy. Nagbiro pa si Goma na ang kanyang sarili naman daw ang regalo sa asawa.

Mayroon daw sikreto sina Richard at Lucy kaya napananatili nila ang kanilang magandang relasyon kahit pa nagkakaroon ng mga problema minsan. “What’s important is you have an open line of communication, in times of crisis nagtutulungan kayo,” sagot ni Goma. “We have our good days and bad days, we argue also, we have our little fights but there was never any incident that made me think either one of us should walk away or sasabihin na game over. It helps din na kaming dalawa we don’t like fighting. Siya (Richard), di mahilig sa away, ako hindi rin naman ma-drama na tao,” pagtatapat naman ni Lucy.

Gusto na ring sundan nina Richard at Lucy si Julianna this year dahil matagal na rin nilang wini-wish ito. “Another baby, two more, three more. That’s a thirteen year old wish that I hope it will come true soon in God’s time,” pahayag ni Lucy. “Ako we’ve been wanting to have another child since Julianna came to life tagal na rin. It’s been ten years na. Sana bago matapos ang taon pinapanalangin namin na magkaroon ng isa pa,” pagtatapos ni Goma.