• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo and Gerald Anderson say they are open to doing a TV project together

Sarah Geronimo and Gerald Anderson say they are open to doing a TV project together

Sarah and Gerald are very thankful for the box-office success of Catch MeàI'm in Love

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/3/2011 11:51 PM
Sarah Geronimo and Gerald Anderson say they are open to doing a TV project together


040411-ashrald-main.jpgCertified blockbuster hit ang Catch Me…I’m In Love nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson dahil inanunsyo sa The Buzz kahapon na lampas P100 million na ang kinikita ng pelikula na nagbukas last week. “Hindi pa po makapaniwala, sobra po itong surprise sa amin, sobrang unexpected po sa amin ang pagtanggap ng mga tao (sa tandem namin),” nakangiting pahayag si Sarah.

“Ngayon ko lang nalaman na blockbuster, nagsi-sink in pa lang,” paliwanag naman ni Gerald. “Sobra kaming overwhelmed. Nung una pressured, but it paid off.”

Nagkasundo rin ang dalawa sa pagsasabing open sila sa pagkakaroon ng pangalawang pelikula kung hihingin iyon ng kanilang mga fans. Bukas din sila sa pagkakaroon ng teleserye together.  

Pagdating sa kanilang personal na buhay, nakapag-enroll na si Sarah sa open university pero bukod pa roon ay hinahangad ng dalaga na lalo pang pag-ibayuhin ang kanyang skills sa pagpe-perform. “Gusto kong mag-dance and voice lessons para po ma-improve pa ‘yung mga skills ko (and) sa (United) States sana,” pahayag ng singer-actress. Aniya, plano niyang pumunta sa US ngayong Abril para mag-aral at inaayos na ngayon ang kanyang schedule. Makakasama raw niya roon ang kanyang ina na si Mommy Divine.

Dream naman ni Gerald na maging magaling na basketball player pero isasantabi muna raw niya ang pangarap n’yang ito dahil masaya siya sa takbo ng kanyang career. “Sobra po akong blessed ngayon, eh and ayoko pong iwanan kung anong meron po ako ngayon,” sabi ng aktor.

Pagdating naman sa pag-ibig, parehong single ngayon ang dalawa pero nagkakaisa sila sa pagsasabing bukas sila sa pagkakaroon ng love life. “Sino (ang) may ayaw noon? I would love to fall in love again with somebody. The right person, the right girl.” Sinang-ayunan naman ito ng Pop Star Princess. “Opo naman, syempre. Tayong lahat gusto po natin ‘yung meron tayong minamahal (and) minamahal din tayo, pero ‘yun nga, sa tamang tao, tamang panahon.”