• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla and Mariel Rodriguez relate the deeper purpose behind their upcoming film

Robin Padilla and Mariel Rodriguez relate the deeper purpose behind their upcoming film

The action superstar reveals he wants the movie Tum: My Pledge of Love to be an instrument of peace.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/3/2011 11:21 PM
Robin Padilla and Mariel Rodriguez relate the deeper purpose behind their upcoming film


040411-robin-mariel-main.jpgSabay na ininterview ni Boy Abunda ang mag-asawang sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa The Buzz kahapon tungkol sa kanilang upcoming movie na Tum: My Pledge of Love. Isa sa mga napag-usapan ay ang pagiging iba ng pelikula na tinatalakay ang paksang relihiyon.

Sinabi ni Robin, direktor at actor sa pelikula, na ang pinakauna niyang dahilan sa paggawa ng pelikula ay para makapagbigay ng entertainment sa mga tao. Paliwanag ng action superstar, napili niyang paksa ang relihiyon dahil ito raw ay malaking usapin na nagagamit sa giyera kung kaya’t ninais niyang iparating sa pamamagitan ng pelikula na ang layunin ng relihiyon ay magkasundu-sundo ang mga tao at hindi magamit para magkawatak-watak.  

Very proud naman si Mariel sa kanyang trabaho, na nagsilbi ring assistant director at production assistant sa pelikula. Natuwa raw siya sa bagong experience, bukod sa pagiging artista. “At one point nasabi ko, iba pala pagkangarag ng off-cam. Mas nakaka-tense ‘yung assistant director ka, bini-brief mo ang Indian actors, nasasabi mo sa kanila kung ano ang lines nila. I felt how it was to be on the other side,” paliwanag ni Mrs. Robin Padilla.

Kasama rin sa nasabing pelikula ang anak ni Robin na si Queenie Padilla at ang love team nitong si Ejay Falcon. Inamin ni Robin na kinailangan pa niyang kumuha ng ibang direktor sa mga eksena ng kanyang anak at ni Ejay. “’Yung pagdidirek, pagsusulat naging madali lahat ‘yon dahil andun si Mariel. Hindi niya ko talaga pinabayaan, talagang lahat ng pangangailangan ko andun siya,” ani Robin tungkol sa kanyang misis. “Nahirapan lang ako kay Queenie kasi nung parating na sila, nagdesisyon akong kumuha ng direktor nila. Kumuha ako ng Filipino director at Indian direktor na sinasabi ko lang kung anong gusto kong shots, sinasabi ko lang kung anong gusto kong eksena. Pero di ko kayang execute ‘yung mga lambingan baka mahimatay ho ako don. Pero mabait po si Ejay.”  

Very proud din si Mariel sa magagandang feedback sa kanilang pelikula gaya ng kanyang mga showbiz friends. Naging star-studded kasi ang premiere night ng movie a few weeks ago at marami ang namangha sa bagong atake na ginamit ni Robin sa pelikula. Ang nasabing pelikula ay magbubukas na sa mga sinehan sa Abril 6.