• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on her showbiz career: 'Feeling ko pinahirapan ako ng mga tao'

KC Concepcion on her showbiz career: 'Feeling ko pinahirapan ako ng mga tao'

The eldest daughter of Sharon Cuneta says her objective nowadays is to find balance in everything she does.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/4/2011 12:11 AM
KC Concepcion on her showbiz career: 'Feeling ko pinahirapan ako ng mga tao'


040411-kc-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay ipinagdiwang ang birthday ng isa sa mga hosts ng show na si KC Concepcion na ang totoong birthday ay sa April 7. Marami sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan ay nagbigay ng birthday greetings kay KC, kabilang ang mga kapatid na si Frankie and Miel. Sa kanilang mensahe ay binanggit ng dalawang bata na nami-miss nila na ang kanilang Ate KC dahil matagal na silang ‘di nagkikita.

Kinumpirma naman ito ni KC dahil sobrang dami raw niyang ginagawa ngayon. “I really admit kulang talaga ako ng time with my sisters. And it’s hard to balance but I’ve been trying to balance my time with Garrie (Concepcion, kapatid ni KC kay Gabby) with Frankie and Miel and Miguel (adopted baby ni Sharon) and baby Sam (kapatid din ni KC sa ama) na rin who’s the bunso.” Umaasa raw si KC na mabalanse niya ang lahat at sa kanyang edad raw ay normal lang ang magkaroon na siya ng mga prayoridad.

Matapos nito ay biglang nag-segue ang actress-host na sana raw ay nagbigay rin ng mensahe ang kanyang boyfriend na si Piolo Pascual na ngayon ay nasa isang tour sa ibang bansa at inaasahang sa susunod na buwan pa darating.

Bilang anak ng dalawang kilalang personalidad na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, inamin ni KC na naging mahirap para sa kanya ang patunayan ang kanyang sarili dahil una siyang nakilala na nasa anino ng kanyang mga magulang. “When I got back (from abroad), the first three years totoo po talaga na ang taas po talaga ang expectations and I was a simple girl, student,” simula ni KC. “Talagang gusto lang talagang pumasok dito not because you want to be popular (but) you just really enjoy the work mahilig akong kumanta, sumayaw, mahilig akong mag-perform. I didn’t realize na ang taas ng expectations ng tao. Nahirapan ako. Feeling ko pinahirapan ako ng mga tao kasi feeling nila, ‘pahirapan natin ‘yan, tingnan natin kung ano ang reaksyon niya.’ Feeling ko tinest ako ng mga tao to see how far I would go at kung hanggang saan ko makakaya ng panlalait at criticisms.”

Dagdag pa ni KC, pakiramdam niya ay nakalimot ang mga tao na matagal nang nasa industriya ang kanyang mga magulang samantalang siya ay nagsisimula pa lamang.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang birthday at busy ngayon ang dalaga sa pag-shoot ng kanyang pelikula with Sam Milby.