• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo on leaving showbiz: 'Siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko'

Bea Alonzo on leaving showbiz: 'Siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko'

The actress reveals that she's working hard to be able to study what her heart really desires in the future.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/3/2011 11:39 PM
Bea Alonzo on leaving showbiz: 'Siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko'


040411-bea-main.jpgSa guest appearance ni Bea Alonzo sa The Buzz ay pinag-usapan ang ilan sa kanyang mga fears in life pero aniya, araw-araw ay chance naman para sa kanya upang harapin ang mga ito. Halimbawa umano, bawat scene na ginagawa raw niya para sa kanyang mga projects ay kinakabahan pa rin siya until now. “Every single scene na papagawa sa akin, kinakabahan pa rin ako. Natatakot ako na hindi ako maka-deliver, na ‘di ko magawa nang tama ‘yung eksena and it’s healthy because, hindi ako nagsasawang mag-strive for the best,”  sabi ng aktres.  

Single daw ngayon ang dalaga pero ayaw raw niyang tumanda nang mag-isa dahil pangarap din niyang magkaroon ng sariling pamilya. ‘Yun nga lang, walang siyang target age kung kelan niya balak magpakasal. “Kung kelan ko lang maramdaman. Mamaya ma-disappoint ako baka sinasabi ko eto ang tamang edad para sa akin (tapos hindi nangyari).” Dagdag pa ni Bea, three or four years from now ay wala pa raw siyang balak lumagay sa tahimik.

Pagdating sa trabaho, mahal na mahal niya ang kanyang profession pero kung mapansin daw niyang nilalamon na siya ng showbiz ay handa raw niya itong iwan. “Mahal na mahal ko itong trabahong ito pero siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko, siguro ‘yun na ‘yung cue na lalabas na ako. ‘Pag marami nang nabali sa values ko, ‘pag nilamon na ako ng negative things sa showbiz.”

Isa rin daw sa mga pangarap pa ni Bea ay ang muling makabalik sa pag-aaral. Sa ngayon daw ay ‘di ito posible dahil sa dami ng kanyang ginagawa. “Sa buhay ko, I always go with the flow. Ngayon binibigyan ako ng maraming oportunidad sa buhay and they always say this sa mga interviews ko, baliktad ang sitwasyon. They study for them to be able to work in the future. Ako, I work to be able to study in the future,” sabay tawa niya.

Happy naman daw siya kahit naisantabi muna ang kanyang pag-aaral dahil madami naman siyang natututunan. “Magaganda ang experiences ko. Marami akong nae-experience sa buhay ko na ‘di nae-experience ng mga regular na tao, (o) ng naka-graduate,” paliwanag niya.

Katatapos lang daw niyang gawin ang kanyang upcoming movie with Vic Sotto ang Pak, Pak Dr. Kwak na ipalalabas sa April 23. Kuwento ni Bea, very memorable ang ginawa niyang pelikula. “I had a blast. I had a great time. Talagang hindi ko makakalimutan sa buhay ko ang pakikipagtrabaho sa kanilang lahat. Nami-miss ko na agad. Eto ‘yung mga tao na ‘di ko nakikita lagi sa hallway ng ABS-CBN. Ibang kultura, ibang experience. All of them are comedians, walang dull moment sa set.” Makakasama rin sa pelikula sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Pokwang, Jose Manalo at Wally Bayola.