• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta shares the secret of her happy marriage with Sen. Kiko Pangilinan

Sharon Cuneta shares the secret of her happy marriage with Sen. Kiko Pangilinan

The Megastar celebrated her 15th wedding anniversary to the senator last April 28.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/30/2011 12:49 AM
Sharon Cuneta shares the secret of her happy marriage with Sen. Kiko Pangilinan


043011-sharon_main.jpgFifteen years nang kasal ngayon sina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan. Last April 28 ay nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang anniversary sa America kasama ang mga anak na sina Frankie, Miel at Baby Miguel. Bago umalis si Sharon papuntang U.S. ay naikwento nito ang napag-usapan nilang plano ni Senator  Kiko kung paano sila magre-renew ng kanilang vows. “Niloloko niya ako noon, sa 15th pakasal tayo ulit gusto mo? Niloloko ko siya, sabi ko, hay! Iisipin ko muna, pero natatawa siya. Wala simple lang kami. Saka kapag anniversary kasama rin yung mga anak ko dapat dahil malulungkot ako kapag hindi,” natatawang kuwento ni Ate Shawie.

Nabanggit din ni Sharon kung ano ang kanilang sikreto ni Senator Kiko kaya nananatiling masaya ang kanilang pagsasama. “Natatawa kami kasi parang niloloko ko nga minsan. My God! Seventeen years na kitang boyfriend, fifteen years na kitang asawa parang I’m so tired na this time, for a change niloloko ko. Ganyan kami, I think para successful ang marriage dapat laging may sense of humor,” dagdag pa ni Mega.

Normal lamang daw sa mag-asawa ang pagkakaroon din minsan ng problema pero dapat ay maging matatag kayo para sa isa’t isa. “Pareho kasi kaming strong willed, dalawang strong personalities, pero kapag mali ang isa, madaling tanggapin kapag na-explain yung side ng isa. Iyon naman yun, di naman kami tatagal ng fifteen years kung hindi kami nagkakasundo din,” nakangiting pagtatapos ng aktres.