KC Concepcion shares her 'The View' experience

The actress-host said she was just standing in line with Enchong Dee and some friends to see the show, when she was asked to say something on cam.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/27/2011 8:33 AM
KC Concepcion shares her 'The View' experience


042711-kc_main.jpgLast week ay pinag-usapan ang paglabas ni KC Concepcion sa sikat na American talk show na The View. Mabilis din na kumalat sa internet ang nasabing video ni KC at marami ang napahanga sa dalaga dahil nakaka-proud si KC bilang isang Pinoy.

Nakabalik na sa bansa si KC last night mula sa Star Magic 18 U.S. Concert Tour. Masayang ikinuwento ng dalaga ang kanyang naging experience sa nasabing TV show. “Nakakatawa, hindi ko in-expect iyon, pumila lang ako. Pumipila lang kami sa audience, naghihintay lang kami ng tatlong oras tapos bigla na lang kaming tinanong kung ano ang pangalan namin saka kung willing daw ba kaming humarap sa camera, hindi na ako umimik at si Enchong (Dee) na lang yung yes,” kuwento ni KC. Hinding-hindi raw makakalimutan ni KC ang kanyang naging experience doon kahit maikli lamang ang kanyang naging exposure The View. “Pagkagising namin sa umaga, in-on namin yung TV, kahit maikli lang ay nahihiya rin ako, pero ang saya, ang saya to experience a little bit of American TV,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, masayang-masaya rin si KC dahil naging bahagi siya sa kauna-unahang pagkakataon ng Star Magic shows sa ibang bansa. “Nakakapagod na nakakatuwa, kasi kasama ko yung mga kapatid ko sa Star Magic and nakapunta ulit ako doon sa pinaka-gusto kong lugar sa New York,” pagtatapos ni KC. May mga bulung-bulongan na nag-bonding din diumano sina KC at Piolo Pascual sa New York ngunit ayaw muna itong pag-usapan ng dalaga sa ngayon.