• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez accused of spreading rumors that her ex-boyfriend is gay

Aiko Melendez accused of spreading rumors that her ex-boyfriend is gay

The actress would rather keep silent about issues regarding ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/26/2011 10:48 PM
Aiko Melendez accused of spreading rumors that her ex-boyfriend is gay


042611-aiko-main.jpgNasaksihan na ng showbiz noon pa man kung gaano kasaya ang relasyon nina Aiko Melendez at Bulacan Mayor Patrick Meneses. Inabot ng three years and four months ang kanilang magandang samahan pero kamakailan ay lumabas ang balitang nagkahiwalay na raw ang dalawa. Nakalulungkot pero kailangan pa ring tanggapin dahil desisyon ito ng dalawa.

Last Sunday ay nag-guest sa Paparazzi si Mayor Meneses. Nagsalita ito tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Aiko. Kasunod nito ay kinuwestiyon na ang kasarian ni Mayor Meneses at lumutang din ang mga akusasyon na kay Aiko diumano nagmula ang mga paninira tungkol sa dati niyang boyfriend. Sa pagtatapos ng interview kay Mayor Meneses ay sinabi pa nitong kakausapin niya kaagad ang kanyang lawyers at gagawa kaagad ng aksyon tungkol sa issue.

Agad namang ipinagtanggol ni Aiko ang sarili tungkol sa nangyaring gulo sa pagitan nila ni Mayor Meneses. “Alam mo sa akin, sa punto kong ito, kung ano man yang lumalabas na sira-sira, hindi ko personality kasi una sa lahat, kung maninira ako ng kapwa ko, bakit nga ako tahimik di ba? Hindi nga ako nagsasalita eh, so it doesn’t make sense na ‘yun ang lumalabas,” seryosong pahayag ng aktres.

Mas pipiliin din daw ni Aiko na manahimik na lang at huwag nang magsalita tungkol sa issue. “Ayoko na sigurong mag-comment, alam mo, mabuti na sigurong manatili akong tahimik from the very start naman I’ve kept my silence and I think sa punto ng buhay kong ito, I like to keep it that way hanggang hindi naman talaga kailangan magsalita,” pagtatapos ni Aiko.