Teen actress malakas nang uminom at the age of 16!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

4/25/2011 6:53 PM
Teen actress malakas nang uminom at the age of 16!


042511-blinditem.jpgNAKAKAGULAT ang lakas uminom ng alak ng isang teen actress. Sa lahat ng parties na kanyang pinupuntahan, hindi nagpapaawat ang teen actress sa pag-inom ng alak. Ang nakakagulat, walang pinipiling inumin ang teen actress. Anything offered to her, tutunggain niya.

Very promising ang teen actress. In fact, malaki ang career plans sa kanya ng kanyang home studio. Mapa-telebisyon o pelikula, kasado na ang projects ng teen actress. Wala ring duda sa kanyang kahusayan.

Matagal din ang hinintay ng teen actress para makamit ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon, At marami ang nagsasabi na she's worth it dahil mahusay at professional naman ito.

Huwag lang sanang dumating ang panahon na masanay ang teen actress sa paginom dahil maraming artista ang nagsimula sa patikim tikim ng alak pero later on ay na-hook na.