• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez to take a hiatus in showbiz because of pregnancy

Regine Velasquez to take a hiatus in showbiz because of pregnancy

The Songbird is preggers, the perfect gift for her 25th year in showbiz and birthday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/24/2011 11:32 PM
Regine Velasquez to take a hiatus in showbiz because of pregnancy


042511-regine-main.jpgKasabay ng pagkumpirma na siya ay nagdadalantao ay ang desisyon ni Regine Velasquez na pansamantala muna siyang mawawala sa spotlight para sa kanyang kalusugan at maselang pagbubuntis. Magdiriwang sana ng kanyang 25th year sa showbiz si Regine subalit hindi niya ito magagawa sa pamamagitan ng concert o pagtatanghal in favor of her pregnancy. Nevertheless, magandang birthday gift naman umano ito sa singer na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong April 23.

Happy rin ang mister niyang si Ogie Alcasid na sinabi sa isang recent interview na siya ang magiging nurse ng kanyang misis. Supposedly ay lilipad papuntang Australia ang mag-asawa sa July upang bisitahin ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren pero hindi na raw makakasama si Regine.

Sa The Buzz kahapon ay ibinalita din na isa si Pop Star Princess Sarah Geronimo sa mga dumalaw pa sa Songbird kasama ang nanay nito na si Divine upang kamustahin at batiin ang soon-to-be mom.

Samantala sinabi naman ni Boy Abunda na nasubaybayan niya ang pagsisimula at pagsikat ni Regine at namamangha siya sa pinagdaanan ng singer para maging tanyag. “I saw her start. She paid her dues. What a life-story,” ani Boy. Bilib din daw ang host kung gaano ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Dagdag pa ni Boy, kung tutuusin ay marami sa atin ang nakaka-relate sa mga awiting pinasikat ni Regine sa kuwento ng buhay at pag-ibig.”