Jolo Revilla denies alleged affair with Jodi Santamaria

Jolo Revilla refuses to dwell on the issue because the actress, who is a friend, has enough concerns to deal with already.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/24/2011 11:14 PM
Jolo Revilla denies alleged affair with Jodi Santamaria


042511-jolo-main.jpgBinasag na ni Jolo Revilla ang kanyang katahimikan sa isyung diumano’y pagkakaroon nila ng relasyon ni Jodi Santamaria sa interview sa kanya ng The Buzz. Matagal nang umiikot ang balitang may namamagitan sa dalawa na diumano’y naging malapit nang magkatrabaho sa teleseryeng Noah. Pero naging mailap ang dalawa sa nasabing isyu pero ngayon ay sinagot na ni Jolo ang intriga hinggil sa kanilang dalawa ni Jodi.

Wala po (kaming relasyon ni Jodi), we’re just friends,” hayag ni Jolo. “That’s it. As in barkada, ‘yung mga kaibigan namin no’n sina Joem (Bascon), (Cherrie) Pie (Picache).” Sina Joem at Cherrie Pie ay mga co-stars din nila noon sa Noah. “Huling pagkikita namin (ni Jodi) antagal na wala (nang kasunod),” dagdag pa ni Jolo.

Tumanggi rin si Jolo na magpaliwanag pa nang mahaba tungkol sa isyu, dahil aniya, marami nang pinoproblema ang dating co-star at ayaw na niya itong dagdagan pa. “Ayoko na pong pag-usapan po masyado… madaming problema ngayon ‘yung tao, ayoko nang makisawsaw pa, ayoko nang mas lalo pang… alam mo ‘yon, alam naman natin kung ano’ng pinagdadaanan niya,” dagdag ng actor-politician, pagtutukoy sa rumored marital problem ni Jodi at ng kanyang asawa na si Pampi Lacson.