• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz and Angel Locsin have only good words for each other

John Lloyd Cruz and Angel Locsin have only good words for each other

On Imortal's last week, the lead stars assure that there are many shocking revelations that will put fans at the edge of their seats.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/24/2011 11:42 PM
John Lloyd Cruz and Angel Locsin have only good words for each other


042511-agaangel-main.jpgPuro good words lamang ang mayroon sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa isa’t isa ngayong malapit nang matapos ang kanilang seryeng Imortal. Thankful ang dalawa sa isa’t isa dahil naging matagumpay ang nasabing teleserye dahil sa pagpupursige nila.

Na-amaze ako kung paano siya sa family niya, lagi ko namang sinasabi ‘yon,” paglalarawan ni Angel kay John Lloyd sa panayam sa kanya ng The Buzz.Sa pinsan niya, sa mother niya, sobra kung gaano siya (magmahal). I think ‘yung inspiration niya talaga ‘yung family niya sa lahat ng puyat niya and all.” Dagdag pa ng aktres, isa siya sa mga taong nagulat na malaman along the way kung gaano kalalim na tao si Lloydie.

Gumanti naman ng magagandang salita si Lloydie sa kanyang leading lady. “Mahirap hanapan ng mali si Angel Locsin, nagmumura ang kabutihan sa kanyang personalidad,” papuri ng aktor. “Hindi ko alam kung para saan ba ‘yan; sa future mo o family mo. Right now, kahit sa anong paraan, I really admire kung paano ang ugali niya sa trabaho.

Huling linggo na ng Imortal kaya’t bukod sa pasasalamat ay hinihikayat ni John Lloyd ang mga manonood na suportahan sila hanggang sa kanilang huling yugto sa Biyernes, April 29. “Nagpapasalamat po kami sa pagtanggap sa pagsisimula at pagsubaybay habang ineere kami. At ngayon hihilingin namin sana huwag kayong bumitiw,” panawagan ni Lloydie. “Sana patuloy n’yong subaybayan gabi-gabi. Huwag n’yo pong kakalimutan ang Imortal. Sana kapit lang kayo hanggang sa matapos po.”

Flattered naman daw si Angel dahil talagang sumubaybay ang mga manonood sa Imortal at sinigurado niya na marami pang kaabang-abang na eksena sa huling linggo ng teleserye.