• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach and Angel Locsin on their movie: 'We didn't really realize it was going to be this hard'

Aga Muhlach and Angel Locsin on their movie: 'We didn't really realize it was going to be this hard'

The stars of In The Name of Love are ready for the movie's opening on May 11.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/23/2011 4:16 PM
Aga Muhlach and Angel Locsin on their movie: 'We didn't really realize it was going to be this hard'


042411-agaangel_main.jpgSa May 11 ay mapapanood na ang pelikulang pinagtambalan nina Aga Muhlach at Angel Locsin sa kauna-unahang pagkakataon, ang In The Name Of Love. Ito ang special offering ng Star Cinema para sa kanilang 18th anniversary. Hindi raw inasahan nina Aga at Angel na mahihirapan sila sa pagganap sa kanilang roles para sa nasabing pelikula. “We didn’t really realize it was going to be this hard. Ngayon lang ako gumawa ng pelikula na talagang mahirap,” pahayag ni Aga. “Noong nakita namin ang trailer, napapa-smile ako na finally ma-share na namin sa mga tao yung pelikulang pinaghirapan namin, pinag-isipan at pinaghandaan,” pahayag naman ni Angel.

May mga na-discover din sina Aga at Angel sa isa’t isa dahil ngayon lang sila nagkasama sa isang project. “Ang napansin ko sa kanya (Angel) parang hindi niya alam matulog. Parang hindi niya alam umuwi ng bahay. Parang gusto niya sa set palagi, shoot, after shoot namin taping siya, tapos shooting ulit. Masipag and she never complains,” kuwento ni Aga. “I’m very blessed na nagkaroon ako ng opportunity na maka-trabaho si kuya Aga, nakita ko paano siya sa craft niya, walang hassle. Walang tensyon sa set, lahat nakangiti lang. Basta kapag kasama mo siya kahit hirap ng situation, kahit ang dugo ng pelikulang ginagawa namin ay gumagaan,” dagdag naman ni Angel.

Ngayon pa lamang ay excited na ang dalawa sa magiging pagtanggap ng fans sa kanilang pelikula. Gaganapin ang grand red carpet premiere ng In The Name Of Love sa May 10 sa SM Mega Mall.