• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos is optimistic her movie with Sharon Cuneta will push through

Vilma Santos is optimistic her movie with Sharon Cuneta will push through

The Governor of Batangas says she just might have time to do a movie this year.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/20/2011 9:05 AM
Vilma Santos is optimistic her movie with Sharon Cuneta will push through


042011-vilma_main.jpgLast month ay napabalitang na-ambush daw si Governor Vilma Santos habang lulan ng kanyang sasakyan. Agad nilinaw ni Luis Manzano sa Entertainment Live ang isyu at sinabing staff ng kanyang ina ang sinasabing nasawi sa nasabing ambush.

Last Saturday ay nag-guest si Ate Vi kasama pa ang bunsong anak na si Ryan Christian sa E-Live para sa special birthday celebration ni Luis. Pagkatapos ng show ay nag-grant siya ng interview para linawin ang issue. “Masyado namang na-exage yung news na akala kasama ako, security ko. Hindi po, empleyado ko si Cesar, ng kapitolyo namin. Ganoon ho talaga ata, I guess ito yung mga dapat naming tanggapin kung sabihin ninyong nakakatakot, totoo naman, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko itutuloy ang tiwalang ibinigay sa amin ng mga Batangueno. So my job is not easy, but the fulfillment is yung paniniwala nilang meron akong magagawa for the Batangueno. ‘Yun na lang ang pinanghahawakan ko and prayers, everytime I leave the house, but I thank you, marami ang tumawag, talagang nagmalasakit na ano ba ang nangyari, maraming salamat po, kung meron man akong hihilingin prayers lang for guidance,” nakangiting pahayag ni Governor Vi.

Samantala, matunog naman ang balita ngayon na matutuloy na raw ang pelikulang pagsasamahan nina Megastar Sharon Cuneta at ni Ate Vi kaya siguradong ngayon pa lamang ay excited na ang Vilmanians at Sharonians. “Excited din ako! Shawie, baka matuloy na tayo, I’m excited! I’m very very excited! Sana, sana ho, nasa planning stage but kung matutuloy, kung excited si Shawie ay excited na excited din ako na makagawa kami ng movie together. Alam ng mga Batangueno, I owe it to the public too, maybe one movie a year will be fine,” dagdag pa ng star for all seasons.

Abala man sa kanyang political at showbiz career ay hindi naman daw napababayaan ni Ate Vi ang kanyang buong pamilya. “Pwede kong sabihin na ang buhay ko talaga ay mga anak ko. Kung paano ko nagagawa itong lahat ng roles sa aking buhay hindi ko alam. I thank God para sa blessings na ito, kayamanan ko na iyan. Lahat ng adrenaline ko, kinukuha ko sa pamilya ko, and I thank God for the blessings dahil nandito sila,” pagtatapos pa ni Ate Vi.