• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez says what's important is she's happy with her marriage

Mariel Rodriguez says what's important is she's happy with her marriage

The actress-host says she and hubby Robin Padilla will still find a way to have a Church wedding.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/21/2011 12:05 AM
Mariel Rodriguez says what's important is she's happy with her marriage


042111-mariel-main.jpgNaging kontrobersyal ang mabilisang pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa India last year. Ngayon ay kontrobersiyal pa rin ang mag-asawa dahil sa plano naman nilang pagpapakasal sa simbahan dito sa Pilipinas. Nagbigay ng pahayag si Archbishop Oscar Cruz tungkol sa plano ng dalawa. Marami pa raw considerations bago pa mapayagang magpakasal sa simbahang katolika sina Mariel at Robin.

“So far it’s on hold, hindi ko alam, ewan ko ba, kasi may pinadala na paper na rules si Archbishop. Meron doon part na kailangan hindi pwedeng magpakasal kapag iba ang religion. Kasi ang Muslim pwedeng magpakasal more than one na babae. Yung pinaka-last na sinulat doon pwede daw if pipilitin kong mag-convert, ang sabi ko huh? Bakit ganun? Sa Islam nga walang pilitan, bakit sa Catholic meron? So I don’t think I’m gonna do that,” seryosong pahayag ni Mariel.

Ayon pa kay Mariel ay gagawa pa rin daw ng paraan ang kanyang mister para matuloy ang kanilang pagpapakasal sa simbahan. “Sabi niya, eh wala tayong magagawa, rules iyan, ang pwede lang siguro nating magawa ay makikiusap tayo pero naiintindihan ko na ginagawa niya to make me feel better kasi naa-affect ako, nakikita niya.” kuwento pa ni Mariel.

Ngayong apektado si Mariel tungkol sa isyu ay nananatili naman siyang maayos sa buhay dahil na rin sa suportang ipinapakita sa kanya ng mga kaibigan at ng kanyang pamilya. “My lolo sent me a message, sabi niya don’t worry about your church wedding. What’s important is you’re happy with your marriage. Na-touch nga ako eh, at least ay sinusuportahan ako ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko.” pagtatapos pa ng actress-TV host.