Vic Sotto is flattered by ABS-CBN's warm 'welcome'

The seasoned actor-host says that he open to getting married again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/17/2011 11:58 PM
Vic Sotto is flattered by ABS-CBN's warm 'welcome'


041811-vic-main.jpgKahapon ay nag-guest sa kauna-unahang pagkakataon si Vic Sotto sa programa ng ABS-CBN na The Buzz para i-promote ang nalalapit nitong pelikula with Bea Alonzo ang Pak Pak My Dr. Kwak. Bago lumabas sa The Buzz ay nag-perform muna si Vic sa ASAP Rocks earlier that day. “It’s my pleasure definitely (to be on The Buzz). Kanina, asa ASAP ako and sabi ko nga I felt very very welcomed. Napaka-warm ng reception nila. Andaming nagpapa-picture. Talaga namang nakakatuwa and it’s nice to be back,” nakatutuwa niyang pahayag.

Tanging pasasalamat din ang nasabi ng komedyante sa parangal sa kanya bilang Box-Office King kung saan nag-tie sila ni Sen. Bong Revilla para sa pelikulang Si Agimat at si Enteng Kabisote noong Disyembre.  “Yung award na ‘yun nanggagaling sa mga manonood ng pelikulang Pilipino so let me take this opportunity to thank lahat ng mga tumatangkilik ng pelikulang Pilipino.”

No doubt na isa na siya sa mga institusyon sa industriya, sinabi ni Vic na hindi naman puro tagumpay ang nakamit niya dahil may mga pagsubok din. Pagdating daw sa sikreto ng kanyang tagumpay, sinabi ng aktor na marunong siyang makisalamuha sa ibat-ibang tao na maaaring magturo at magbigay sa kanya ng mga bagong idea.  “I love what I’m doing. I have fun during taping (or) shooting. I enjoy so much, I enjoy everything I do. Kahit anong trabaho mo, basta ini-enjoy mo, maganda ang attitude mo towards work and kapwa, palagay ko you will always be successful,” aniya pa.

Bukas din daw si Vic sa muling pagpapakasal subalit hindi daw siya nagmamadali. “I’m not thinking about it right now. If it comes, then it comes. If it doesn’t, then I’ll be happy. It’s nice to have a wife who takes care of you but meron naman siguro (darating). Bata pa naman ako,” biro niya.

Bilang ama naman, may tendency daw siyang mag-spoil subalit thankful siya na biniyayaan siya ng mga anak na hindi raw mahilig humingi ng kung ano-ano. “Ako pa ‘yung mamimilit na magbigay if they need something or anything. They’re not the type na lalapit agad, minsan ako pa mismo nagpupumilit na tumulong.”

Inamin din ni Vic na nanibago siya nang bumukod sa kanya ang anak na si Oyo nang ikasal kay Kristine Hermosa. “At first I was kinda lost, ‘di ako sanay na walang kasama sa bahay. I’m okay now. All my children are very nice, very responsible.”

Sa Abril 28 ay magdidiwang ng kanyang birthday si Bossing pero sinabi niya na ang kanyang wish ay hindi para sa kanya kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga katrabaho,

Nang tanungin siya ng host na si Charlene Gonzales kung mayroon pa bang kulang sa kanyang buhay, sagot ni Vic, “Parati namang may kulang sa buhay, pero ‘di napapansin dahil sa mga nagmamahal sa paligid mo at tuloy-tuloy ang tiwala sa Diyos. Hindi mo mapapansin ang mga kulang.”

Very optimistic din si Vic na hindi ito ang huling paggawa niya ng pelikula kasama ang Star Cinema at sinabing bukas siyang gumawa ng movie projects in the future.