• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach and Angel Locsin are very proud of In The Name of Love

Aga Muhlach and Angel Locsin are very proud of In The Name of Love

Both Aga Muhlach and Angel Locsin say that they experienced a lot of new things while doing their first movie together.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

4/17/2011 11:59 PM
Aga Muhlach and Angel Locsin are very proud of In The Name of Love


041811-aga-main.jpgSobrang worth it daw ang pagod nina Aga Muhlach at Angel Locsin para sa kanilang upcoming movie, ang In The Name Of Love na ipapalabas sa May 11. Aminado ang dalawang malaking artista na hindi biro ang pinagdaanan nilang hirap sa pag-shoot ng kanilang movie para siguraduhing maganda ang kalalabasan nito.
 
“We didn’t realize, I didn’t realize that it’s gonna be this hard,” pag-amin ni Aga. “Ngayon lang ako gumawa ng pelikula na talagang mahirap, ang hirap talaga.” Ayon pa sa dalawa, kailangan nilang sumayaw para sa pelikula na hindi naman talaga nila ginagawa.  “Hindi po talaga ako marunong sumayaw, hindi talaga,” pagbabahagi ni Angel sa panayam niya sa The Buzz. “Nung binasa ko ‘yung script halos lahat ng ayaw kong gawin, (na) ‘di ako comfortable gawin, kailangan kong gawin sa pelikulang ito. Ganun siya kahirap for me.” Umaasa na lang daw ang aktres na sana ay nagawa niya nang mabuti ang ipinagawa sa kanya. Dagdag naman ni Aga, “Kailangan pa naming i-rehearse ‘yung mga sayaw, kailangang mag-rehearse  (ng) mga sayaw na napakahirap na hindi talaga namin ginagawa sa buhay namin.” Mahirap din daw na habang sumasayaw ay kailangang mag-project pa ng emosyon.
 
Kapwa naman inamin ng dalawa na karangalan ang makatrabaho nila ang isat-isa lalo na si Angel na inaming pinangarap niya noong bata na makatrabaho si Aga. Ang nasabing pelikula ay ang 18th anniversary offering ng Star Cinema at idinirehe ni Direk Olivia Lamasan.