• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez speaks out about her annulment case with Yilmaz Bektas

Ruffa Gutierrez speaks out about her annulment case with Yilmaz Bektas

The actress-host says it's been four years already since she and her ex-hubby have separated and she wants their annulment to be granted within the year.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/15/2011 8:33 AM
Ruffa Gutierrez speaks out about her annulment case with Yilmaz Bektas


041511-ruffa_main.jpgMatagal na ring magkahiwalay sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Ngayon ay minamadali na raw ni Yilmaz si Ruffa na ma-grant ang kanilang annulment papers. “Oo, nagmamadali na rin siya because I filed kasi 2009, 2011 na ngayon, and hiwalay kami since 2007 so apat na taon na. I’m all out for divorce actually in the Philippines, kasi I’ve been there and experienced that,” seryosong pahayag ni Ruffa.

Ayon naman kay Ruffa ay hangad nila ni Yilmaz na ma-aprubahan na ang kanilang annulment para maka-move on na sila pareho. “Me naman kahit maraming nanliligaw sa atin or maraming nagkaka-crush, hindi ako pwedeng mag-all out until that chapter in my life is finished,” dagdag pa ni Ruffa.

Samantala, isang bagay naman ang na-diskubre ni Ruffa Tungkol sa Grammy award winner na si Bruno Mars na nag-concert sa bansa kamakailan. Malapit na kamag-anak daw ng pamilya Gutierrez ang Filipino-American singer. “Hindi naman claim to fame na maging kamag-anak ni Bruno Mars di ba? I mean I was just shocked as everyone else. Ang daddy ni Bruno Mars at saka yung daddy ko magkamag-anak, sabi ko talaga? Paano nangyari iyon? Akala ko mag-pinsan kami, third cousins, but it so happened na he’s my nephew pala,” kuwento pa ng aktres.