• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quigaman reacts to comments her gown was too revealing

Precious Lara Quigaman reacts to comments her gown was too revealing

After negative feedback on Venus Raj's hairdo at the Bb. Pilipinas 2011 pageant, Precious Lara also gets a thumbs down on her gown.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/16/2011 1:51 AM
Precious Lara Quigaman reacts to comments her gown was too revealing


041611-lara-main.jpgMatapos pag-usapan ang naging hairstyle ni Venus Raj sa Binibining Pilipinas 2011 coronation night last Sunday ay si Precious Lara Quigaman naman ang sentro ng kontrobersiya ngayon. Marami kasi ang nakapansin sa suot na pulang gown ni Lara nang gabing iyon dahil masyado raw itong revealing at litaw na ang specially designed underwear nito dahil sa haba ng slit ng nasabing kasuotan. May mga nagsasabi pa na malaswa o bastos raw para sa isang beauty queen ang magsuot ng ganito. “Yung mga tao naninibago lang sa akin, kasi kapag lumalabas ako very safe lang, lahat ng suot ko at lahat ng damit ko. I don’t think it’s bastos kasi hindi ko rin naman siya susuotin if it was. Tinanong ko rin yung mga tao before hand and they say it’s okay. Mom ko tinanong ko and she said okay naman,” kuwento ni Precious Lara.

Nagustuhan daw kaagad ng beauty queen actress ang kanyang sexy gown designed by Michael Cinco nang una pa lamang niya itong makita. Wala rin daw masamang intensyon si Lara sa pagsusuot nito. “Kapag nagsuot naman ako ng gown, di para gumawa ng issue o para gumawa ng ingay, dahil gusto ko talaga. Kung ano yung makita kong maganda that suits me and alam kong hindi bastos, I would wear it. Hindi ko iisipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Iba-iba yung tingin sa lahat ng bagay. Sa ibang tao gusto nila, sa ibang tao hindi nila gusto. Tulad ng lagi nating sinasabi. If you don’t have anything nice to say. Huwag na lang magsalita pero siyempre di natin sila mapipigilan,” seryosong pahayag pa ng aktres.