• Home
  • Fresh Scoops
  • Venus Raj on negative feedback on her hair: 'Actually naiyak ako'

Venus Raj on negative feedback on her hair: 'Actually naiyak ako'

The beauty queen gives her thoughts on people's reaction toward her hairdo at the Binibining Pilipinas coronation night.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/14/2011 4:57 PM
Venus Raj on negative feedback on her hair: 'Actually naiyak ako'


041411-venus-main.jpgLast Sunday ay ginanap ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2011 sa Araneta Coliseum. Punung-puno ang venue at very wild ang audience nang gabing iyon para sa kanilang mga bet na kandidata. Si Shamcey Supsup ang nanalong Binibining Pilipinas-Universe at si Venus Raj naman ang nagpasa ng korona sa kanya.

Naging usap-usapan ang hairdo ni Venus that night sa social networking site na Twitter. Marami ang nag-comment na para raw buhok  ng mga “Poon” ang pagkakaayos ng buhok ni Venus that night. Marami ang kumuwestiyon sa ayos na ito ng Beauty Queen dahil hindi raw bumagay sa kanya ang pagkakakulot ng buhok. “Masakit sa akin, actually naiyak ako. After the coronation night kasi pagod na pagod ako noong araw na iyon, tapos may trabaho ako kinabukasan yung binabasa ko yung mga tao ganon yung naging komento. Since pagod ka, stressed ka, tapos ganun pa yung reaction ng mga tao, hindi mo mapigilang maging emosyonal,” seryosong kuwento ni Venus.

Kahit nasaktan ay wala naman daw sinisisi si Venus sa naging ayos niya nang gabing iyon. “Actually, it was my make up artist and hairstylist’s idea. Professional itong mga taong ito, alam nila ang maayos para sa’yo, nagkataon  lang na nag-e-experiment that time. Hindi ko naman sinisisi sila. Ako naman pinapalipas ko lang yung ganung mga bagay, lilipas at lilipas din naman iyan. Hindi mo naman forever ike-carry yung ganung burden. Let’s move on, siguro nga pwede mo namang patunayan sa iba. Ilabas mo sa ibang exposures, hindi naman lahat pangit ka na lalabas kung pangit man ang tingin nila doon,” natatawang pahayag ni Venus.