Komedyante, feeling Comedy King sa set ng isang show

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

4/15/2011 12:00 AM
Komedyante, feeling Comedy King sa set ng isang show


041511-blinditem.jpgGalit na galit na nagkwento sa PUSH ang isang staff ng isang comedy show, dahil sa paga-attitude raw ng isang komedyante nila. Kung umasta raw talaga eh daig pa ang Comedy King na si Dolphy sa pagpapa-importante.

Ang latest and bad encounter nila – dumating nang late sa set ang komedyante. Syempre, kahit sino namang late na dumadating nasisita. Naloka ang source ng PUSH dahil nang sabihan daw nila ang komedyante tungkol sa pagiging late nito, ang isinagot sa kania : “Mabuti nga dumating pa ko eh!” Hala. Si Mang Dolphy nga na super tagal na sa industriya, at hari na ng comedy, never naringgan ng panghihitad ng kahit na sinong staff na naka-trabaho niya. Tapos itong hindi naman BIG STAR na komedyante ganun na ka-feeling?

Kilala niyo siya. Tanungin mo ang katabi mo kung sinong hula niya, pag magkaiba kayo, mag-jack en poy kayo, kung sinong wagi siya ang tama!