• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban reacts to the issue linking Derek Ramsay to Aifa Medina

Angelica Panganiban reacts to the issue linking Derek Ramsay to Aifa Medina

The actress says she knows the rumors will not stop hounding her and Derek since they will be spending some time apart because of work.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/14/2011 8:16 AM
Angelica Panganiban reacts to the issue linking Derek Ramsay to Aifa Medina


041411-angelica_main.jpgKamakailan ay na-link naman si Derek Ramsay sa isang member ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina. Nakita raw kasi ang dalawa na magkasama sa isang lugar sa Tondo. Nagbigay na ng pahayag si Derek tungkol sa isyu at wala raw katotohanan ang nasabing balita.

Ngayon ay ang girlfriend naman ni Derek na si Angelica Panganiban ang nagbigay ng reaksyon sa pagkaka-link ng kanyang boyfriend kay Aifa. “Nagulat kaming dalawa kasi noong lumabas daw yung balita, nasa Boracay siya talaga. So sobrang imposibleng mangyari na may pinuntahan siyang girl. Pinahanap niya sa akin sa internet kung ano ang itsura ni Aifa, sabi niya kasi mamaya kilala pala niya kasi sobrang friendly ni Derek. So noong nakita niya yung picture sabi niya, ‘di ko nakita iyan, ‘di ko kilala iyan,” kuwento ni Angelica.

Ngayong holy week ay hindi magkasama sina Angelica at Derek kaya naman daw tiyak na hindi pa rin mawawala ang mga nang-i-intriga tungkol sa kanilang relasyon. “Yes, Diyos ko, sanay na ako. Para na nga lang akong sounding board para sa mga taong walang magawa sa buhay. Paulit-ulit na lang siyang dejavu sa akin yung lahat ng intriga. Sa lahat naman ng binabato nilang intriga at tsismis na hindi magaganda, maganda naman ang ibinabalik sa akin ni Lord,” nakangiting sagot pa ni Angelica.

Last Wednesday night ay umalis na si Angelica papuntang America para sa Star Magic 18 U.S. concert tour. Excited at masaya ang dalaga dahil muli raw silang magkikita ng kanyang biological father na based in U.S. “Sobra kasi hindi lang siyempre makakapagbigay kami ng saya at makakapag-reachout kami sa mga kababayan natin sa America, siyempre kami may mga kamag-anak din kami doon so parang family reunion din siya,” pagtatapos ng aktres.