Star Magic artists all set for US Tour

Kim Chiu, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz are only a few of the stars set to perform in different cities in America.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/13/2011 4:13 PM
Star Magic artists all set for US Tour


041311-starmagic-main.jpgNauna nang umalis last Saturday papuntang America sina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa Star Magic U.S. concert tour. Kahapon ng umaga ay marami pang Star Magic artists ang lumipad para sa nasabing show. Sa airport pa lamang ay spotted na bumaba mula sa iisang sasakyan ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. “Siyempre masaya dahil mabibisita na naman natin yung mga kapamilya natin sa ibang bansa. Siyempre my family is there, yung pamangkin ko, kaya excited na rin akong makita sila,” pahayag ni Shaina. In-invite naman ni John Lloyd ang lahat ng kapamilyang nasa Amerika na panoorin ang kanilang show doon. Nakatakda ring mag-celebrate ng kanilang first anniversary sa U.S. bukas sina John Lloyd at Shaina. “We are looking forward in celebrating our first anniversary in America,” pahayag ni Lloydie. Ayaw naman daw mag-expect ni Shaina ng kahit anong sorpresa from her boyfriend. “Ano ba naman, pressure naman ‘yan. As long as we’re together siguro okay lang,” nakangiting sagot naman ni Shaina.

Spotted din na magkasama ang special friends na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ngayon ay mukhang open na sa publiko ang dalawa kung ano man ang kanilang relasyon. “Nako! Madami kaming gagawin dito. Siyempre may kakanta, may sasayaw, papakita ng mga talents ang Star Magic,” pahayag ni Zanjoe. “Nasa L.A. (Los Angeles) kami, San Jose and New York kaya abangan n’yo po kami mga TFC (The Filipino Channel) subcribers,” pahayag naman ni Bea.

Bukod sa dalawang pares ay umalis na rin kahapon ng umaga sina Diether Ocampo, Erich Gonzales, Jovit Baldivino at Rafael Rosell na pawang mga excited magpasaya ng mga Kapamilya sa Amerika. “I’m vey excited, not only that I will be able to entertain a lot of Filipinos. Makakasama din natin yung mga kamag-anak at kaibigan natin,” pahayag ni Diether. “Honored that I’ll be joining them again and of course performing to all these people sa tatlong different cities. It’s gonna be adventure again,” pahayag naman ni Rafael.

Kaninang umaga ay umalis na rin ang ilan pang Star Magic artists like Pokwang, Sam Milby, Maja Salvador, Chokoleit and KC Concepcion para sa kanilang Star Magic 18 U.S. concert tour.