Kim Chiu moves into her dream home

The actress says she feels accomplished, being able to fulfill one of her promises to her family.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/13/2011 4:16 PM
Kim Chiu moves into her dream home


041311-kim_main.jpgMasayang-masaya si Kim Chiu ngayon dahil unti-unti na raw niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap. After mag-graduate ng high school kamakailan ay nakalipat na rin ang young actress sa kanyang dream house. Matagal ring ipinagawa ni Kim ang nasabing bahay kaya naman ngayong nakatira na siya dito ay iba raw talaga ang tuwang kanyang nararamdaman. “Naglipat lang ako ng bahay, masaya ako dahil noong nandoon ako parang sabi ko finally natapos na siya, lahat ng pinaghirapan ko eto na, eto na yung pangarap ko, masaya,” nakangiting pahayag ni Kim.

Malapit na raw ma-kumpleto ang mga gamit sa bagong bahay ni Kim pero mayroon pa siyang gustong ipagawa para dito. “Nandoon na lahat pero siyempre pakonti-konti pa, pero hindi naman isang bagsakan nandiyan na lahat. Pangarap kong magka-swimming pool. Magagawa ko rin yun,” natatawang sabi pa ng young actress.

Inilalaan daw ni Kim ang lahat ng kanyang achievements para sa buong pamilya nila. “Ayun! Unti-unti natutupad ko na yung pangarap ko. Tapos ko na yung pag-aaral ko, natayo ko na yung dream house ko. Yung mga kapatid ko unti-unti na silang natatapos ng pag-aaral, isa na lang, graduate na rin yung isa so yun, masaya naman. Kapag may pangarap naman ang isang tao, kapag gusto mo talaga, maaabot mo naman iyon, yun ang motto ko sa buhay,” dagdag pa ni Kim.

Samantala, kamakailan ay ginanap na rin ang story conference ng teleseryeng “Binondo Girl” na pagbibidahan ni Kim. Muling magbabalik ang dalaga sa primetime bida. Makakasama ni Kim sa nasabing serye sina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla at Xian Lim. Ngayon pa lamang ay very excited na si Kim sa kanyang newest project. “Masayang-masaya na nakaka-excite dahil ang tagal-tagal ko nang hinihintay at pinaghahandaan ito. Ngayon, naibigay na sa akin kaya masaya ako at excited. Feeling ko ay mahal na mahal ako ng ABS dahil binigyan ako ng ganitong proyekto so masaya and parang I feel blessed,” pagtatapos ni Kim.