• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon shares his most unforgettable experience in India

Ejay Falcon shares his most unforgettable experience in India

Ejay Falcon admits he was moved by the poverty he saw while making 'Tum: My Pledge of Love.'

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/13/2011 7:59 AM
Ejay Falcon shares his most unforgettable experience in India


041311-ejay_main.jpgEjay Falcon admitted filming Tum: My Pledge of Love in India proved to be one of the most unforgettable experiences of his life. “Iba kasi talaga yung mga nakilala kong tao dun. Kasi yung mga ibang nakita kong tao dun, ayoko namang sabihing pulubi, pero yung mga walang-wala talaga sila. Yung alam mong hindi marunong mag-cellphone, hindi marunong mag-internet tapos nakatapak lang sila tapos yung iba walang mga damit,” he shared with Push.com.ph.

The 21-year-old actor said he learned a very valuable lesson about life after being exposed to scenes of poverty in India. “Kumbaga sila yung nagpapaalala sa akin na huwag ko dapat sayangin kung ano yung meron ako ngayon kasi ang suwerte ko pa rin. Kasi nung nakita ko sila, sabi ko kay Queenie (Padilla), ‘Tingnan mo sila. Pano kung nandito ka tapos makita mo ako na isa ako sa mga yun, bibigyan mo ba ako ng isang daan? Parang naiiyak talaga ako nung nakita ko yun. Ngayon mas naa-appreciate ko kung anong meron ako ngayon na dapat ko talagang pangalagaan. Ibang-iba yun sa mga mahihirap doon at mahihirap dito,” he recalled.

Ejay, who portrays a Christian-turned-Muslim-turned-Hindu convert that falls in love with a Muslim played by Queenie, said it was also a big adjustment for him to say his lines. “Siguro ang pinakamahirap sa akin na ginawa ko dito sa movie is yung pagsalita ko ng Ingles. Kasi pinag-i-Ingles ako dito. Eh Tagalog talaga ako magsalita. Medyo pinag-aralan ko talaga kung paano kasi mas gusto ko pang umiyak na lang, magalit, umarte ng ganun, pa-action action. Mas gugustuhin ko pa yun kesa mag-Ingles ng talagang tuloy-tuloy,” he said.

Ejay also admitted he found the dance sequence in the movie to be another kind of challenge. “Kasi may sayaw kami dun, so medyo nahirapan din ako. May konting sayaw kami na alam kong kaya ko pero naiilang ako. Medyo nahihiya ako. Tapos yung isa pa pa lang mahirap yung sumakay ako sa kabayo kasi yung pagtalon sa kabayo. Nung nasa probinsya ako, sumasakay talaga ako sa kabayo, pero dun kasi sa India, iba yun eh. Basta parang nakakailang na pala talaga ‘pag may mga camera. Nakakailang rin para sa kabayo, baka bigla siyang tumayo, ganun. Nakapag-practice practice muna ako tapos yun tumatakbo na. Pero nagawa ko naman,” he shared with Push.com.ph.

Ejay said that although it was his first time to travel to India, he did not have that much difficulty relating to his foreign co-workers on the set of Tum: My Pledge of Love. “Hindi naman talaga naging mahirap. Maayos naman sila katrabaho. Tungkol dun sa pagiging Muslim naman, para malaman ko talaga kung paano yung kultura at ugali nila, nagtanong-tanong na lang ako pagdating namin dun kasi may mga kilala kaming Muslim dun tapos tinanong ko kung paano ba yung mga ganyan-ganyan at kung tama ba yung pagkakaintindi ko sa role. Madami rin akong mga tinatanong-tanong,” he admitted.