Derek Ramsay reacts to rumors he's dating a Sexbomb dancer

After accusations that he and Angelica Panganiban have broken up, Derek is now being linked to dancer Aifa Medina.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/12/2011 8:51 PM
Derek Ramsay reacts to rumors he's dating a Sexbomb dancer


041211-derek-main.jpgKamakailan ay kumalat sa Twitter ang balitang magkahiwalay na diumano ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Pinabulaanan nina Derek at Angelica ang lumabas na isyu tungkol sa kanila.

Ngayon ay iniuugnay naman ang hunk actor sa isang member ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina dahil nakita raw na magkasama ang dalawa sa isang lugar sa Tondo. “No, I don’t know her, hello! I know of her now. I was told na I was seen daw in Tondo, in a friend’s house in Tondo? Funny thing is the only person I know from Tondo is Angel (Angelica), and she doesn’t live there anymore. So this is really easy to resolve. I definitely don’t know her. When I was told about the story. I looked her up, I don’t think I’ve met her. I don’t know where this came from. It’s kinda hard for me to drive down to Tondo and not be seen,” paglilinaw ni Derek.

Kahit sunud-sunod ang pang-i-intriga kina Angelica at Derek ay hindi pa rin naman daw nagpapa-apekto ang dalawa. “I don’t know where it’s coming from but what is important is that Angel and I know that we’re still together, and everytime something comes out, we’re very vocal to clear it out, and yeah! We’re very happy,” dagdag pa ni Derek.

Naging successful ang pagho-host ni Derek sa katatapos pa lamang na Binibining Pilipinas 2011 Coronation night. Ngayon ay abala ang aktor para sa The Biggest Loser kung saan ay magiging co-host siya ni Sharon Cuneta for the show. Malapit na rin daw magsimula ang pinakabagong teleseryeng pagsasamahan nina Derek at Cristine Reyes.