Diether Ocampo introduces son to the public

The actor threw his 7-year-old son a birthday party at the Manila Ocean Park last Sunday.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

4/12/2011 7:51 AM
Diether Ocampo introduces son to the public


041211-diether_main.jpgNoong Linggo ng umaga ay isang special charity event ang ginanap sa Manila Ocean Park. 7th birthday celebration ng lalaking anak ni Diether Ocampo na si Dream at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita at ipinakilala na ng aktor sa publiko ang kanyang anak. Walang ibang invited celebrities sa nasabing event dahil gusto ni Diether na ma-enjoy ng kanyang anak ang birthday nito na kasama ang maraming bata na kanilang bisita.

Nag-imbita si Diet ng mga bata mula sa iba’t ibang lugar sa Maynila. “Yung ikapitong kaarawan ni Dream, to make it more memorable, tinanong ko kasi siya kung paano niya gustong i-celebrate yung birthday niya. Isa ito sa mga na-mention niya yung Manila Ocean park kaya sabi ko okay, sige anong gusto mong gawin doon? Sabi niya, let’s invite kids. Yung mga bata dito galing sa twenty nine day care centers sa buong Manila,” pahayag ni Diether. Nanood ang mga bata ng sea lion show, binigyan din ng mag-amang Diether at Dream ng mga regalo ang kanilang bisitang mga bata. Mayroon ding mga sumayaw kaya naging very memorable at entertaining ang 7th birthday celebration ni Dream.

Samantala, sinagot na rin ng aktor sa nasabing event ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Kris Aquino. Marami kasi ang nakasaksi sa kanilang dalawa na sabay umalis sa Golden Screen Awards kamakailan. “Wala akong dapat i-explain. I’m very happy that at this point yung pagiging magkaibigan namin, mas naging malalim. Parang ibang level na, mas pareho na kaming mature ngayon. Wala naman talaga akong dapat sabihin, as far as I’m concerned wala namang dapat intrigahin,” paglilinaw ni Diet. Naipakilala na rin daw ni Diether ang kanyang anak sa Queen of All Media.