• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang says working with Vic Sotto is a dream come true for her

Pokwang says working with Vic Sotto is a dream come true for her

The comedienne admits that she hopes to work with Vic Sotto again in another project.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/10/2011 10:32 PM
Pokwang says working with Vic Sotto is a dream come true for her


041111-pokwang-main.jpgAfter finally getting the chance to work with one of the Philippines’ top comedy icons, Pokwang says it was like a dream come true for her to be included as part of the cast of Star Cinema’s latest comedy Pak! Pak! My Doctor Kwak! which will be shown on April 23 in theaters nationwide. “Nung bata pa ako, wala kaming TV pero nanunuod na ako sa kanya. Napapanood ko na siya noon. Lagi nga akong nasasaraduhan ng bintana. Pero ngayon, hindi ko akalain na makakatrabaho ko yung isang taong hinahangaan ko lang dating bonggang-bongga. Yung makatrabaho ko lang si Bossing Vic, daig pa talaga yung hiniling ko sa langit na sana magkaroon ako ng bahay at lupa. Paano ko ba idi-describe yung saya, sobrang saya talaga. Actually bitin pa talaga kami sa mga shooting days na pinagsama-samahan namin. Kung puwede lang sana from the top ulit,” she shares during the grand press conference for the movie held last April 7 at the Dolphy Theater inside the ABS-CBN compound.  

The 38-year-old actress says that although she has worked with a number of different actors over the years, it was working with Vic that proved to be an outstanding experience for her. “Gaya nung sinabi ko sa mga unang interview, yung grupo nila bossing talaga, nakita ko kung paano nila kami inalagaan. Hindi ko naman sinasabi na yung mga nakaraan kong nakatrabaho ay pinabayaan kami. But siyempre bilang sila ay galing sa kabilang network na hindi ko akalain na makakatrabaho ko sila, isang patunay na napakaliit talaga ng mundo ng showbiz. Sinabi ko na nung nakatrabaho ko sila na sobrang hindi ko po naisip na kahit sa anong panaginip ay mangyayari ito. Unang-una, napaka-supportive niya. Hindi niya kami pinababayaan. Ang pagkain sa set, parang laging last day yung pagkain. Parang laging pa-last day. Nakakaloka. Parang normal na lang ata kay Bossing yun. Tsaka ganun niya kami talaga inalagaan. Tinatanong niya kami kung may trabaho kami bukas or anong oras yung call time namin.inaalam niya kung meron kaming sapat na tulog para sa trabaho. Nagwo-worry rin siya para sa mga health namin kaya thank you talaga Bossing. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya na nakatrabaho ka namin. Thank you Bossing and more blessings para sa inyo,” she explains.  

Pokwang also admits she felt really touched by Vic’s praises for her during the movie’s press conference. “Salamat sa pagsabi mo sa akin na nirespeto mo ako sa maikling araw na pinagsamahan natin. Sana hindi pa ito ang huli. Sana may mga proyektong pa tayong pagsasamahan,” she adds.